"Tànga! Nag-iisip ka ba? Matatalino ang mga Gray. Hindi gagana sa kanila ang gan'yang estratehiya,” agad na sínghal ni Vida. “Huminto ka nga sa kalalakad mo at nahihilo ako sa'yo!" Mabilis na tumalima si Livina sa sinabi ng kaniyang ina. “Eh anong gagawin natin ngayon, mama? Wala naman talagang nangyari sa amin ni Andy kaya paano ako mabubuntis?" Napaisip si Vida. “Isa lang ang naiisip kong paraan…”Mabilis na lumapit si Livina sa kaniyang mama at agad na kumapit sa braso nito. “Anong paraan, mama? Tell me. Gagawin ko ang lahat para lang makaalis na tayo sa mansyong ito. Palubog na rin nang palubog ang kumpanya ni Allan at ng yumao niyang asawa. In no time, wala na tayong mananakaw sa kaniya at kapag dumating sa puntong ‘yon, wala na siyang pakinabang sa atin. Kaya dapat, bago pa man mangyari ‘yon, kailangan na nating makahanap ng bagong pamilya na magbibigay sa atin ng karangyaan, kasikatan at stability.”“You said Luna is currently working under the Y.A. Group, right?” Vida asked.
Last Updated : 2025-10-17 Read more