“Babe, anong gusto mong kainin?"“Hindi ko alam, babe. Kahit ano na siguro." Lumapit ang waitress kina Luna at Yana. Nakangiti ito habang hawak ang isang maliit na notebook at isang ballpen.“May I take your orders po, ma’am." “Miss, kahit ano," ani Yana habang nagpipigil ng tawa.“Pardon po?"Pinandilatan ng mga mata ni Luna ang kaniyang kaibigan.“Just kidding, miss. Ito kasing kaibigan ko eh ayaw pang pumili sa menu niyo. Kahit ano raw p'wede na sa kaniya." Iniabot muli ni Yana ang menu kay Luna. “Babe, sige na. Pumili ka na."“Sige na nga." Binuklat ni Luna ang menu na iniabot sa kaniya ni Yana. Namilog ang kaniyang mga mata nang makita niya ang presyo ng mga pagkain sa menu. Agad niyang iniabot sa kaniyang kaibigan ang menu. “Yana babe…”"Ano? May napili ka na rito? Ang bilis mo naman palang pumili eh.”Ngumiti nang pilit si Luna. Tiningnan niya ang waitress. “Miss, p'wede bang bumalik ka na lang mamaya? May pag-uusapan lang kami ng bff ko." “Sige po, ma’am," agad na tugon ng
Last Updated : 2025-10-09 Read more