TWO WEEKS AGO
“Ate!” isang sigaw ang pumukaw sa atensyon ni Eleanor habang nag-aayos ng kan'yang mga paninda. Napatingin siya rito, lumapad ang kan'yang ngiti nang makita ang apat na taong gulang niyang kapatid kasama ang kan'yang ama. "Sundo ka namin, ate." an'ya ng kan'yang batang kapatid. Ngumiti siya at lumapit rito saka ginulo ang buhok nito. "Naku, ang sabihin mo gusto mo lang ng magpabili ng gusto mong ulam ngayon," natatawang sagot ni Eleanor. "Kanina pa nga yan umiiyak simula ng makauwi kami galing bukid, an'ya'y susunduin ka kaya ito, hindi mapigil." paliwanag ng kan'yang ama. MAHIRAP ngunit masaya ang pamumuhay nina Eleanor, kasama ang kan'yang ama at kapatid. Nakakaraos sila sa pang-araw araw na buhay, si Eleanor ay hindi na nakapagkolehiyo at napili na lamang mag trabaho sa palengke nang makatapos ito ng highschool. Ang kan'ya ama naman ay isang magsasaka sa sakahan ni Don Constantino kaya't kahit papano ay hindi sila namomroblema sa pagkain. Ang tanging tinik lamang sa kanilang lalamunan ay ang pagiging sakitin ng kan'yang bunsong kapatid. "Ate, bili ikaw hotdog," request ng kan'yang kapatid. "Hay nako talaga, dapat yung kinakain mo, masusustansya." imik niya. "Di mo ko lab," anito at tumalikod pa na parang nagtatampo. "Oo na nga! sige na nga, pero kakain ka rin ng gulay ha?" panigurado niya. Tumango naman ang bata na ngayon ay malapad ang ngiti. GABI na at natapos ng maghapunan ang tatlo. Matutulog na rin sana ang dalaga ng mapansin niyang tila nanginginig ang kapatid. Agad na tinawag niya ang ama at nilapitan ang bunso. "Leon!" Napakainit ni Leon, namumutla at nanginginig pa ito. "Leon! Leon!" tawag niya pa sa kapatid dahil papikit pikit na ito. Sobrang kaba ang naramdaman ni Eleanor habang isinusugod sa ospital si Leon. Nang makarating ay agad naman nasaklolohan ang bata at naipasok sa emergency room. Pabalik-balik at hindi pamakali sa isang tabi si mag-ama habang hinihintay na lumabas ang doctor. Maya-maya pa ay lumabas na nga ito kaya agad siyang lumapit dito ganon din ang kan'yang ama. "Doc, kamusta po ang anak ko?" agad na tanong ni Mang Elias. "Doc, ano pong nangyari?" "Kalma lang po tayo at maging mahinahon sa sasabihin ko," ani ng doctor na sinubukan munang pakalmahin ang dalawa. "Sa ngayon ay ayos na siya at nagpapahinga na pero kailangan nating magsagawa ng mga pagsusuri tulad ng blood test o (CBC), bone marrow biopsy, at iba pang laboratory tests upang makumpirma ang diagnosis." mahabang paliwanag ng doctor. "Salamat sa diyos at ayos na siya," pasasalamat ng ama na para bang ang unang bahagi lang ng sinabi ng doctor ang kan'yang narinig. "Diagnosis para saan doc?" si Eleanor ang nagtanong. "Didiretsuhin na kita, Miss. Posibleng may leukemia ang bata." Parehong nanlaki ang mata ng mag-ama. "At pag nagkataon ay malaki laki ang kakailanganin natin para sa gamutan." parang binagsakan ng langit at lupa ang dalawa sa kanilang narinig. Leukemia, iyon din ang ikinamatay ng kan'yang ina. Hindi na napigilan ang paghagulgol ni Mang Elias. Agad na yumakap si Eleanor sa ama. "Hindi natin papabayaan si Leon, tay!" an'ya sa gitna ng paghikbi. PAGKATAPOS ng mga ginawang pagsusuri ay kumpirmadong mayroong leukemia si Leon kaya't walang paglagyang ang pag-aalala ng mag ama. Si Eleanor ay domuble kayod para sa pagpapagamot ng kapatid ngunit alam niya rin na kahit anong gawin niya ay hindi sasapat ang kikitain niya rito sa probinsya. "Naku, El, ang mabuti pa'y humingi ka ng tulong kay Don Constantino. Balita ko, tumutulong naman daw siya, lalo na kapag mga gan'yang sitwasyon." sabi ng isang tindera na alam ang pinagdadaanan niya. KINAGABIHAN ay agad niyang pinagbigay-alam sa ama ang plano ngunit bulyaw ang sinagot nito sa kan'ya. "H'wag na h'wag kang lalapit sa matandang 'yon. Alam ko kung paano mag-isip 'yon. Mapapahamak kalang." "Dodoble kayod din ako anak, maipapagamot natin si Leon." pangpalubag-loob na sabi ng kan'yang ama kahit pa alam niyang malabong mapagamot si Leon kung aasa lamang sa sahod nilang dalawa. Buong magdamag siyang nag-isip ng paraan. Takot na takot siyang baka matulad sa sinapit ng kanilang ina ang sasapitin ng kan'yang kapatid. Kaya bago paman niya isinara ang kan'yang mata at alam na niya kung ano ang gagawin. KINAUMAGAHAN maaga siyang nagising para abutan ang ama na maagang umaalis patungong bukid. "Luluwas ako ng maynila, Tay!" agad na paalam niya. Hindi agad nakasagot ang ama, nang naramdaman niyang tututol ito ay muli siyang nagsalita. "Mahal na mahal ko po si Leon tay, alam natin parehong hindi natin kakayanin ang gamutan sa ganitong sitwasyong ng pamumuhay natin. Please tay! Hindi ko kakayaning mawala si Leon." doon bumuhos ang kan'yang mga luha. Walang nagawa ang ama kundi pumayag. Nung araw din yo'n ay ang sinabi niyang byahe niya. Ibinilin niya si Leon sa ama na wag itong papabayaan maging ang sarili nito. Bilin naman sa kan'ya ng ama ay mag ingat siya. At mahal na mahal din siya nito. ALAS TRES NA NG HAPON nang nasa harap na siya ng mansyon ni Don Constantino. Ito ang naiisip niyang paraan, at kung wala nga siyang makuhang tulong dito ay agad siyang luluwas ng maynila. "Hija, pasok!" pinagbuksan siya ng mayordoma ng gate at pinapasok sa loob. "Maswerte ka at nandito ngayon ang Don." anito habang naglalakad sila papasok. Napalinga-linga siya, talagang napakayaman ng Don. Sana nga ay matulungan siya nito. "Oh? Anong kailangan ng isang magandang babae sa akin." bungad ng Don ng tuluyan na silang magkaharap. Nakaupo ito sa tapat ng mesa at nanabako. "M-magandang hapon po sir," bati niya. "Pumunta po ako, magbabakasali kung maari po akong makahingi ng kaunting tulong." deretsahang saad ng dalaga. Tumayo ang don, tinignan siya mula ulo hanggang paa. Hindi pa ito nakuntinto at umikot ikot pa ito habang sinusuring mabuti si Eleanor. Naiilang man ay walang magawa ang dalaga. Pinilit niya na lamang maging kalmado at hintayin ang sagot nito. "You're beautiful. Kaunting ayos lang ay milyones kana..." pabulong na puna ng don na ikinataas ng kilay niya at hindi niya naintindihan, ngunit kan'ya ring ipinagsawalang bahala. "Anong tulong ang kailangan mo?" tanong ng don bago tuyang umupo sa inuupuan nito. "P-pampagamot ng kapatid ko po," deretso niya uling sagot. Humihithit ng tabako ang don at bumuga bago muling sumagot. "Sige, walang problema." anito na ikinatingkad ng mga mata ni Eleanor, sa isip niya'y, 'Talagang mabait si Don Constantino'. "Pero, magtatrabaho ka sa akin." dugtong nito. Sa labis na tuwa ay napahawak si Eleanor sa kamay ng don at labis na nagpasalamat, "gagawin ko po ang lahat para sa kapatid ko, maraming maraming salamat po." an'ya na ikinangiti ng don, —ngiting malademonyo."K-Knight..." narinig ni Knight ang tila tarantang boses ni Flor, kaya sandali siyang tumingin sa rearview mirror. Nanlaki ang mata niya, binalot ng takot at gumapang ang matinding kaba sa dibdib niya, "Fuck! Bakit may dugo?" tarantang tanong niya. Dahil do'n mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo. Kinukutuban siya ng masama. Hindi simpleng mga pasa lang ang inaabot ni Fara sa kamay ni Don Rafael. "M..may dugo.. lumalabas sa tainga niya, Knight! Bilisan mo!" naiiyak na saad ng nanay ni Fara. Bakas din sa mukha nito ang takot sa nangyayari sa anak niya. Fuck. Fuck! Mura ng mura si Knight sa isip niya, dinadaga ang puso niya sa sobrang kaba. 'What the fuck is happening? Ba't nagkagano'n si Fara?' tanong niya sa isip niya. Hindi nagtagal ay nakaabot din sila ss ospital, agad silang sinalubong ng mga nurses at doctor. "Kami na po ang bahala, dito lang po kayo!" pigil ng doctor sa kanila ni Flor kaya naiwan silang nakatayo sa labas ng pinto ng emergency room. Natutop niya
He kissed her, he kissed her softly. Puno ng pagmamahal, puno ng pag-iingat. Kagaya ng dati, kagaya ng nagmamahalan pa sila. Mainit. Malumalay. Isang segundong pagdampi ng labi nila, hanggang sa mismong si Fara ang kumalas dito. Ngumiti ito ulit ng mapakla. "I want to rest na, love, gusto ko ng magpahinga..." anito at yumuko. Pero kitang-kita ni Knight ang pagdausdos ng mga luha nito. 'Magpahinga...' sa isip ni Fara. Sa lahat. Sa lahat ng sakit. "Love... I'm s-sorry..." utal niyang paghingi ng tawad. "I wish, I could just see her—" hindi natapos ni Fara ang sasabihin niya. Napatigil siya ng maramdaman na naman niya ang pag-ikot ng paningin niya, sinapo niya ang sintido niya. Agad naman siyang hinawakan ni Knight sa balikat, "Love, are you okay?" nag-aalalang tanong nito. Hanggang sa unti-unting nagdilim ang paligid. Mabuti nalang at mabilis si Knight, nasalo niya ito bago pa man ito mawalan ng malay. "Fuck!" usal niya. Agad na tumawag ng saklolo si Knight, duma
"Talagang hindi Kit— o Knight! O sino ka man." binitawan nito ang kwelyo niya, tumalikod at itinutop ang kamay sa pader. "Papanagutan mo ang anak ko, pakakasalan mo siya!" Bumuntong hininga si Knight, he knows this will happen, "Gagawin ko po," magalang niyang saad. "Papakasalan ko po si Eleanor," sunod niyang pahayag ng walang pag-aalinlangan. Nakapagpasya na siya, aayusin niya ang gusot sa kaso ni Fara. Babawiin si Eleanor at yayain itong magpakasal— sa ayaw at sa gusto nito. Making sure she won't run away again. "Marami lang akon kailangan pang ayusin, kailangan asikasuhin. Babalik po ako ulit. Isasama ko po siya sa pagbalik ko, pormal ko pong hihingiin ang kamay niya sa inyo." Mahabang saad nito. Kasunod noon ang paglunok niya ng laway, handa siyang pakasalan si Eleanor pero si Fara, paano niya ipapaliwanag kay Fara. Paano niya sasabihin na imbes ito, ay iba ang papakasalan niya, na iba ang bubuuin niyang pamilya. Kumirot saglit ang puso niya, iniisip kung gaano masasakt
"Dinner is ready." saad ni Niro habang nakatayo sa bungad ng pintuan ng kwarto ni Eleanor. Tinigna siya nito at bahagyang nginitian. Ikalawang araw na nila ngayon sa rest house ni Niro. Sa dalawang araw na iyon ay hindi man lang siya hinayaan ni Niro na gumawa ng kahit anong gawaing bahay, mula sa pagluluto hanggang sa pag-aayos ng pinagkakainan nila. Lahat si Niro ang gumagawa, nagpas'ya rin kasi si Niro na pauwiin muna ang kan'yang caretaker pagkatapos niya itong utusan na bumili ng mga iba pang gamit na kailangan nila mula sa damit ni Eleanor pati narin ang stock ng pagkain nila. Hindi alam ni Eleanor kung hanggang kelan sila doon, hanggang kailan siya magtatago kay Knight, kahit pa alam niyang marami itong paraan para lang mahanap siya. "Sige po, lalabas na." nakangiti niyang saad saka tumayo sa kama niyang gawa sa kawayan na pinalambot ng foam. Ngumiti naman pabalik si Niro sa kan'ya, bumuntong hininga nalang siya. Unti-unting napapanatag ang loob niya dito. Ibang-iba si N
Dahan-dahang nagmulat ang mga mata ni Eleanor nang maramdaman ng kakaibang init sa gilid ng kan'yang mga labi. Halos manlaki ang mata niya— hinahalikan siya ni Niro, pero hindi sa mismong labi niya kundi sa pinakagilid na parte lang nito, "N-niro..." mahinang saad niya para malaman ng lalaking gising na siya. Bigla namang bumalik sa katinuan si Niro, agad na inilayo ang sarili kay Eleanor, "S-sorry..." agad na paghingi niya ng tawad. "Nandito na pala tayo..." ani Eleanor at nilibot na lamang ang tingin sa labas para makaiwas sa ilang na nararamdaman niya. "Yes, let's go." sagot naman ni Niro, nauna itong lumabas para pagbuksan pinto si Eleanor. Inalalayan niya itong bumaba, hinapit ang beywang niya na puno ng pag-iingat. "Ang ganda..." mahina at wala sa sariling bulalas ni Eleanor, nasa tapat siya ngayon ng isang may kalakihang bahay pero gawa sa kawayan. Pinalilubutan ng mga puno ng niyog at ilang metro lang ang layo sa mismong dagat. Dumampi sa kan'yang balat ang malamig na ha
"Love, what really happened?" Nakita niya ang biglang pagbabago ng mukha ng kan'yang fiancee at yumuko na parang hindi pa handang magsalita. Bumabalik sa kanyang alaala ang lahat ng mga pangyayari, habang kanyang bibig ay nanatiling tikom, nagpipigil ng anumang salita na maaaring makapagpabigat pa sa kanyang nararamdaman. Unti-unting pumapasok sa kanyang isipan ang lahat ng pinagdaanan niya, na para bang kahapon lamang nangyari ang mga ito. Ang bawat detalye ay malinaw at sariwa sa kanyang memorya— isang bangungot na nangyari sa buhay niya. "For starting price, Ten Million Pesos!" rinig niyang sigaw ng announcer na umalingaw-ngaw sa buong lugar. Napatingin siyang muli sa paligid, lahat ng naroon ay masasabi niyang mayayaman, lahat kalalakihan. Mga lalaking hayok sa pisikal ng pangangailangan at tawag ng laman— mga lalaking propisyonal tignan pero ang mga tingin ay puno ng kalibugan. Napalunok si Fara, mabilis ang pag tibok ng puso niya. Gustong-gusto niyang kumawala o tum