LOGINSuot ni Eleanor ang isang seksing itim na gown. Hapit na hapit ito sa kanyang katawan, kaya kitang kita ang kurba ng kan'yang beywang. Bukod pa rito, pinuno siya ni Don Constantino ng mga alahas– tunay man o peke, ay dumagdag ito sa kan'yang kagandahan.
Mabilis ang tibok ng puso niya nang tawagin siya ni Don Constantino, ang totoo ay wala siyang ediya kung bakit sila nasa ganitong lugar. Ang tanging sinabi lang sa kan'ya ng Don ay magtatrabaho siya para rito. Magtatrabaho. Pero ano ang ibig sabihin nito? "Bilisan mo!" utos nito na agad niyang sinunod kahit pa nangangatog ang mga tuhod. Nang nasa harap na siya ng Don, ay hinila siya nito palabas ng backstage. Sinalubong siya ng spotlight na nakatapat mismo sa kan'ya. Nakakasilaw, ngunit nakikita parin ni Eleanor ang napakaraming tao sa harap ng entablado, sa harap niya – karamihan ay matatandang lalaki at tila mayayaman. "Our main course for tonight!" anunsyo ni Don Constantino sa mikropono na lalong nagpaexcite sa buong lugar. Hindi niya maintindihan. Gulong-gulo ang isipan niya, ngunit sa kabila ng takot, nangingibabaw ang kanyang taglay na ganda. Para siyang isang anghel na naligaw sa impyerno. "For the starting price… five million pesos!" sigaw ng isang lalaki sa tabi ni Don Constantino. "Ten million!" ang sagot ng isang matandang lalaki, mabilis pa sa alaskwarto itong tumayo gamit ang kan'yang baston. "Fifteen million!" sa pagkakataong ito, isang matabang lalaki ang sumigaw, habang pinupunasan ang pawis sa noo. Bakit? Bakit nagsisigawan ng ganoong kalalaking halaga? Saan papunta ang lahat ng ito? Napalingon siya kay Don Constantino, at doon niya nakita ang pilyong ngiti nito. 'Ibinebenta ba niya ako?' Bigla siyang hinintakutan, parang binuhusan ng nagyeyelong tubig na nagdulot ng panlalamig sa kanyang buong katawan. Hindi siya makagalaw at tila naparalisa sa takot. Sa bawat presyong sinisigaw, ay mas lalong pagpapadagdag ang kan'yang kaba. "Twenty million!" "Twenty-five million!" Ang lugar na iyon ay naging isang palengke, at para siyang panindang pinag-aagawan ng mga lalaking hayok sa laman. "One billion!" Katahimikan. Nabingi ang lahat, kasama na si Eleanor. Lahat ng mata ay bumaling sa pinanggalingan ng boses. Sa isang tabi, sa pinakataas, may isang lalaking nakasuot ng itim na polo. Dahan-dahan itong bumaba, ang mga yapak lamang nito ang tangin ingay na naririnig sa buong lugar. "One Billion?" tanong ni Don Constanstino na nanlalaki ang mata at hindi makapaniwala sa narinig. "She's mine!" hanggang sa tuluyan na itong nakababa at nasa harap na mismo ni Eleanor. Si Knight Andrie, isa sa pinakamayamang lalaki sa buong Pilipinas. Isa itong bilyonaryo na hindi dahil sa pamana kundi purong pagsisikap. Meron itong fiancée na siyang hahanapan niya ng pangregalo sa auction na ito. Ngunit ibang hiyas ang pumukaw sa kan'yang atensyon. Na para bang sa unang tingin ay nabihag kaagad ng magandang dalaga ang mga kan'yang mga mata. Si Eleanor naman ay hindi makapaniwala, nasa harap niya ang isang napakakisig na lalaki, hindi katandaan at hindi rin mukhang hayok sa laman. "Eleanor Lualhati, a virgin probinsyana, SOLD TO THE BILLIONARE!" anunsiyo ng lalaking kasama ni Don Constantino. Tumingin siya rito, malapad ang ngiti nitong lalakad papunta sa lalaking nasa harap niya. "Mr.?" Bungad ng Don at iginaya ang kamay na para bang pinapaakyat sa intamblado si Knight. Ngunit walang pakealam si Knight sa spotlight, ang gusto lang niya ay bilhin ang babae. "No need." Bulong ni Knight, "the contract." saad pa nito kaya tumango na lamang ang don. "Dito tayo." Tumingin ang Don kay Eleanor at sinensyahang sumama sa dalawa na agad naman niyang sinunod. SA BACKSTAGE, nanginginig na sa takot ang dalaga. Sa pag-kakataong ito ay gusto na niyang tumakbo ngunit nakabantay ang mga body guard ni Don Constantino na ang tingin ay nakatutok lamang sa kan'ya na para bang siya mismo ang binabantayan ng mga ito. Kinuha ng Don ang isang folder sa table, at inilahad kay Knight. "CONTRACT" 'yon ang nakalagay na pangalan sa labas ng folder. Binuksan ito ni Knight at binasa ng tahimik. "TERM'S AND CONDITIONS" 1. The 'buyer' who bought the 'sex-slave' at the auction shall pay according to his stated price. 2. If the 'sex-slave' does not obey the buyer, she may be punished or killed by the owner itself or by the Dark Auction. 3. If the 'sex-slave' escapes, she and her entire family shall be killed by the owner itself or by the Dark Auction. Nagulantang si Knight sa nabasa, ito pala ang nilalaman ng kontrata. Mayroong pinirmahan ang dalawa, si Don Constanstino bilang seller at si Knight bilang buyer. Samantalang kinuha ni Don Constantino ang palad ng dalaga at walang pasabi itong sinugatan gamit ang maliit na blade. Napangiwi ang dalaga sa pagkabigla at sa sakit. Inutusan siya ng don na mag thumbmark sa ilalim ng kontrata gamit ang dugo sa sugat niya "H'wag na h'wag kang magkakamaling sumuway at tumakas, papatayin ka niya at maging ang buo mong pamilya." Bulong ng Don sa kan'yang tainga na dahilan pag silaglagan ng kan'yang mga luha. Hindi siya makapaniwala, ang akala niya ay mabuting tao ang Don, na talagang tutulungan siya nito. Ang akala niya'y trabaho lamang ang ipinunta niya rito ngunit ebenta siya nito sa isang auction, at isang bilyonaryo pa ang nakabili sa kan'ya. "H'wag kang mag-alala, sasagutin ko ang pagpapagamot ng kapatid mo hanggang sa gumaling na siya." Muling bulong nito saka bumalik kay Knight at nagpaalam. Hindi na niya napigilan ang kan'yang pag-iyak. Nakatingin lamang sa kan'ya si Knight. Halo halong emos'yon ang nararamdaman niya, sobrang bilis ng pagbabago ng buhay niya. 'Tama si tatay, mapapahamak ako.' Nais na niyang sumigaw at humingi ng tulong. Punong puno na ng luha ang kan'yang mata. "Shhh, it's okay now." Napatingin siya kay Knight. Seryoso ang maamo nitong mukha. Ang mga mata'y ay nakatingin sa kan'ya na parang nangunusap. Kinuha ni Knight ang panyo niya at ipinahid sa mga luha ng dalaga. "Let's go." Sa isip ng dalaga ay, sana lamang ay mabuting tao ang nakabili sa kan'ya. Sana lamang ay maari niya itong pakiusapang h'wag siyang saktan o gawan ng masama. Mabagal ang lakad ng dalaga at napansin iyon ni Knight kaya agad niyang kinuha ang kamay nito para makasabay ito sa lakad niya. Hawak kamay silang lumabas sa isang madilim na lugar na iyon.Dahan dahang iminulat ni Eleanor ang kan'yang mga mata. Agad na sumalubong sa kan'yang paningin ang puro puting pader. Nagtataka ito kung bakit na naman siya nasa ospital. "A-anong nangyari?" tanong niya, sinubukang sumandal sa headboard. Nakakaramdam pa rin siya ng bigat ng kan'yang katawan pero hindi naman gano'n kasama ang kan'yang pakiramdam. Mabilis na hinanap ng kan'yang mata si Knight, naroon ito sa kan'yang paahan, nakaupo habang nakatungo ang ulo sa mismong gilid ng kama niya. Napansin ni Knight na gising na siya, kaya mabilis itong tumayo para alalayang maupo si Eleanor sa kama. “How are you feeling, Mahal ko,” tanong ni Knight bakas sa mukha nito ang takot dahil hindi pa lumalabas ang doctor para sabihin kung anong nangyari kay Eleanor. Kinakabahan siya na baka may mangyayari na naman hindi inaasahan. Natatakot na naman siya at sa loob-loob niya, umaasa siyang okay lang si Eleanor. “Nahimatay ka lang sa veranda. Dinala kita agad dito sa ospital. Kamusta ang pakiram
Nagsimula na ang celebration, may clowns at performers. Ang mga bisita ay puro bata, mga malalayong pinsan at kamag-anak ni Eleanor sa probinsya. Naroon din si Mang Elias, si Leon at si Rose na ngayon ay may mga anak na din. Nagtawanan sila habang pinapanood si Lexus at ang mga bata na tuwang-tuwang naglalaro sa pinagawa ni Knight na one time playground sa likod mismo ng kan'yang mansyon para sa araw na ito. Ilang sandali pa, tumayo si Knight at inabot ang kamay ni Eleanor. "May pupuntahan tayo," nakangiting saad niya. "Saan? Birthday ni Lexus, Knight. Dito lang muna tayo, baka hanapin niya tayo." nag-aalalang saad ni Eleanor. "Sandali lang. Ipinaalam ko na kay tay Elias na iiwan muna natin Lexus sa kanila, just one minute. Sige na, My Queen," pangungulit ni Knight, kinindatan siya. Sandali namang kinilig si Eleanor nang tawagin siya nitong my queen, naramdaman niya ang pag-init ng kan'yang mukha. Namumula sa kilig. Napangiti si Eleanor, tahimik na hinawakan ng mahigpit
Ang 'Dark Auction' kung saan nabili ni Knight si Eleanor, ang illegal auction na nagbebenta ng mga mamahaling hiyas at ang kanilang special items, ang mga sex slaves. Si Fara, ang unang fiancee ni Knight, si Eleanor na naging biktima ng dark auction, ngayon, makakakamit ang katarungan. Dahil sa insidenting iyon, tuluyang nabulgar ang ka-ugat ugatan ng dark auction. Ang founder na si Mr. Hector Williams at ang kanang kamay at anak nitong si Hellius ay tuluyang nasawi ng gabing iyon. Ang mga bidder na nahuli sa akto ay sinampahan din ng kaso kasama na ang mga tauhan ng mismong sindikato. Sa mga narecover na ebendensya, lumuntad din ang mga naging partner ng lihim at madilin na kalakaran ng dark auction. Humingi din ng tawad si Mr. Nickson kay Knight dahil angpagamit siya sa mga ito, bilang apgbawi. Isiniwalat din niya bilang ebendensya ang lahat ng documentong nakalap niya. Ang ari-arian ni Knight na sandali niyang isinuko kay Hellius ay naibalik sa kan'ya. Ang bilyones na han
Nagliwanag ang paligid sa lakas ng pagsabog. Umalingawngaw ang nakabibinging tunog, kasabay ng paglipad ng mga debris. Nang bumagsak sila Knight at Eleanor sa lupa, naramdaman ni Knight ang pagkirot ng sugat niya. Pero hindi niya iyon inindi, ang mahalaga sa kan'ya ay hindi sila nasaktan sa pagsabog. "E-eleanor," mahinang usal niya, tila pinipilit nitong makapagsalita ng impit. Tumingin sa mukha ni Eleanor na nakapikit at mahigpit ngayong nakayakap sa kan'ya. Napamulat ng mata si Eleanor, dama niya parin ang takot, nandiyan parin ang kaba niya pero lahat iyon napawi nang marinig niya ang boses ni Knight. "Knight... Knight!" Mahihinang saad nito kasabay ng kan'yang pag-iyak. Labis ang takot niya kanina, akala niya'y mawawala na nang tuluyan si Knight sa kan'ya. Hindi niya mapigilang humagulgol sa harap ni Knight. Wala siyang paki-alam kung magmukha siyang dugyot sa harap nito. Ang mahalaga ngayong sa kan'ya walang nangyaring masama sa buong pamilya nila. Mas lalong lumakas ang
"Ano bang gusto mo?" sigaw ni Knight, humakbang ng isa. "Don't. Move!" agad na sigaw naman ni Hellius, "All cops, back off!" dugtong niya pa. Nagkatingan ang mga pulis pagkuwa'y bumaling kay Knight at sa chief nila. "B-back off!" walang pag-aalinlangan naman saad ni Knight. Tumango lang ang chief, dahang-dahang umatras ang mga pulis pero nanatiling nakatutok ang mga baril nila. Alerto parin. "Now, come and get your Eleanor, Knight. Sama-sama tayong pumunta sa empyerno!" sigaw nito, mula ss bulsa niya inilabas niya ang isang improvised explosive device. Klinick ang timer button. Mas lalong nilukob ng takot si Knight, tinakasan na siya ng tapang. Habang si Eleanor ay muling nanginig sa takot. Ngumisi ng malademonyo si Hellius, "Tick tack, Knight. Get Her!" Hindi na alam ni Knight ang gagawin, masyadong komplikado ang sitwasyon. Ang bomba—alam niya ang ibig sabihin niyon. Hindi lang sila ang madadamay, kundi pati ang mga pulis, at si Lexus na hindi kalayuan. Sa isang iglap, n
"Daddy, I want mommy." mahinang boses nito. "Yes baby, I'll make sure, I'll take your mommy back." mahinang saad ni Knight at h******n sa noo ang anak niya. "Mas mabuting e-secure mo muna ang kaligtasan ni Lexus, Knight." singit ni Niro. Napalunok si Knight, tama si Niro. Bukod sa paghahanap kay Eleanor kailangan niyang siguraduhin na wala ng mangyayaring masama kay Lexus. Pero bago pa man siya nakapagsalita, isang tunog ng sasakyan ang kanilang narinig. Lahat napatingin sa gawing iyon. Galing ang sasakyan sa likod na bahagi ng lugar, parang nakahandang escape vehicle. Lahat ng kapulisan ay naging alerto, ihinanda at hinawakan ng mahigpit ang kani-kanilang mga baril. Tumigil ang sasakyan ilang metro lang ang layo sa kanila. "Fuck! Don't shot!" sigaw ni Knight nang makita kung sino ang nasa loob ng sasakyan, sa driver's seat. Sinadyang binuksan ang bintana, naroon si Eleanor habang nakatutok ang baril ni Hellius sa sentido ng babae. Nanlalaki ang mga mata nito at halatang p







