CHAPTER 35: ANOTHER ONE“Ito nga pala si Kuya Rex, Arvie, Kaloy, Gary at Mang Tonyo,” pagpapakilala ni Jeo habang tinuro isa-isa ang mga kalalakihang naka-straight line sa harapan namin. Pag-akyat ko pa lang ng yate ay kaagad silang naglahad ng kamay para tulungan ako. Ayoko namang saktan sila pero dahil nauna si Kuya Kaloy ay sa kanya ako humawak at bumwelo para makaakyat sa yate. “Magandang umaga po, Ma’am,” sabay sabay na bati nila kaya naman lumawak ang ngiti ko. “Huwag niyo na po ako tawaging Ma’am mga Kuya, call me Yso na lang po,” ani ko at nginitian silang lahat. “Ang ganda naman ng pangalan ni Ma’am– Yso. Kasing ganda rin niya,” tawang ani ni Kuya Arnie na ngayon ko lang nalaman ang pangalan. “Ehem,” tikhim ni Jeo kaya naman napatingin kami sa kanya. Pero umirap lang ito at pumwesto na sa harap ng manibela ng yate. Mukhang badtrip na naman siya? Wala naman akong ginagawang masama? Pati sina Kuya ay nakatayo lang. Abnormal na ba talaga ang lalaking ‘to? Parang hindi na t
最終更新日 : 2025-09-08 続きを読む