CHAPTER 24: Kayaking“Really, Jeo? Hindi ka talaga titigil sa kakatawa?” nakasimangot na tanong ko sa kanya. Paano ba naman kasi, kanina pa siya nakangisi at halatang pinipigilang tumawa. Sadyang sumabit lang talaga ang damit ko kaya nahulog ako. “S-sumabit nga lang diba?!” sigaw ko pero bumuhanglit na talaga siya ng tawa habang nasa likod ko siya. Naka-cross na ang dalawang kamay ko sa dibdib kasi naiinis ako sa tawa niya. At the same time, ayoko namang sirain ang mood kaya may naisip akong gawin sa kanya. Let’s see kung makakatawa ka pa sa gagawin ko. May dala kaming basket kung saan nakalagay ang mga pagkain at panglatag namin. Humawak ako sa magkabilaang gilid ng kayak at nag-sway papunta sa kanan at sa kaliwa. Naramdaman kong gumalaw ang kayak at sabi ko na nga, napatigil siya sa pagsagwan at sinamaan ako ng tingin. “Ah, gusto mong bumaliktad tayo diyan?” nakangising sabi niya at binilisan ang pagsagwan. “Wala akong ginagawa no, ang wavy kaya siguro umuga yung kayak,” pag
最終更新日 : 2025-08-21 続きを読む