CHAPTER 18 Umatras si Clarissa. Agad na nagtago sa likod ng pader bago pa man siya makita ng dalawa. Alam na ba ni Ahmed? Sinong nagsabi? Si Gelay ba, si Kaye? “Mommy Gelay, bigyan po ako ni Sir ng Teddy Bear at Chocolate. Gusto niya daddy ko siya.” Narinig ni Clarissa na daldal ni Mihrimah. “Nang-uuto ko na naman.” Si Gelay na mula kung saan. “Hindi po. Sabi niya gusto niya na daddy ko siya kasi wala siyang anak. Sabi ko kasi wala akong Daddy pero si Reirey meron. Inggit ako po, e.” Lihim siyang nakahinga ng maluwag. “Sabi ni Sir Ahmed, huwag na ako inggit. Siya na lang Daddy ko po.” “Sorry, Sir Ahmed. Nadadamay ka pa. Ayaw ko kasi magpatawag ng Daddy sa baby na ito,” matinis ang boses ni Gelay. “It’s okay. Alam ko ang pakiramdam na iisa lang ang tumatayong magulang.” Kinalma ni Clarissa ang sarili at humakbang palayo sa pinto. Nakasalubong niya pa si Ate Glo sa daan. “Nasa bahay si Marih. Hindi mo ba kukunin?” “Nandyan po si Ahmed.” “Ay, oo nga pala. Hindi pa
Terakhir Diperbarui : 2025-09-20 Baca selengkapnya