CHAPTER 32 Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Sabihin mo sa lalaking ‘yan siya ang magpatahan dito sa bata!” asik niya, kumulo bigla ang dugo. “Sabihin mo kay Daddy ko, hindi ko siya bati. Huwag na siyang uuwi. Ayaw ko na siya maging Daddy!” ” sigaw ni Mihrimah na ikinanganga niya. Grabe naman itong anak niya. Isang pangungusap lang ang sinabi niya pero ito, nakatatlo. Mas ngumalngal ang bata nang p inatayan sila ng tawag ng babae. “Tahan na, Marih. Baka friend lang iyon ng daddy mo.” “S-Sabi no’ng babae, sa kanya daw si Daddy ko po. Bakit may iba siyang girl. Dapat ikaw lang ang girl niya kasi beybi niyo po ako.” Hihikbi-hikbi ito na parang aping-api. Bumuntong-hininga si Clarissa at niyuko ang anak. Masuyo niyang pinunasan ang luha nito. The pain in her little girl’s eyes breaks Ri’s heart. “Hindi natin siya pag-aari. Kung gusto niya man ng ibang girl, okay lang dapat iyon sa atin.” “Hindi po, Mama. Mali ka! Si Reirey nga at si Dos, isa lang ang girl ng Daddy niya
Terakhir Diperbarui : 2025-09-26 Baca selengkapnya