Kumurap-kurap siya. Magtampo? Late?“I’m here now. Forgive me? Hmn?” H inalikan pa siya sa buhok sabay haplos sa kanyang baywang. Ang lintik na puso niya, tumatambling! Hindi!, hindi pwede! “Ay ang sweet naman ng foging boyfie mo, Marih. Susko po! Ang lambing lambing!” Nagpapadyak si Mommy Gelay.Lumabas si Nanay Glo at tinawag sina Dos kaya nabaling ang atensyon nila sa matanda. Nagmano rito ang mga bagong dating. “Arnel, ala e, halika na kayo. Magsisimula na ang palabas.” Dumaan ang Nanay ni Arnel sa harapan ng bahay kasama ang mga kaibigan.“Tara na, Marih.”Hindi siya makasagot dahil sa tiim ng titig sa kanya ni Altero. Pakiramdam niya ay tahimik siya nitong pinagbabantaan. Mabuti na lang ay sinalo siya ni Mommy Gelay. “Tara na, Arnel. Mamaya pa yan si Marih kasi nandito na si Dos.” “Hindi sila pamilyar sa lugar natin.” Kinaladkad na ni Mommy Gelay ang lalaki. “Ilang beses na here ‘yan si Dos. Kilala na siya ng mga ka-barangay.” Sumiksik si Zarek sa pagitan nila ni Altero
Last Updated : 2026-02-04 Read more