“Ano po iyon?” From watching Faustina, her Mama gave her a sweetest smile. “Nothing. Why don’t you get Zarek his favorite Chinese Delicacy?” “Okay,” sabi na lang niya dahil kulang na lang ay ipagtulakan siya nito palayo. Sinamahan niya naman ang kapatid papuntang mahabang table. Hindi na niya mahanap ang Mama niya nang nilingon niya ang kinatatayuan nito kanina. Sa halip ay si Rio Jean ang nahagip ng kanyang tingin. “Zarek, dito ka lang,” sabi niya at saka nagmamadaling sinundan si Rio Jean para sabihan ito tungkol kay Elias.Subalit, nawala rin niya nang lumiko siya. Sa kanyang pagkadismaya ay hindi niya alam ang pabalik sa party. Naalerto siya nang marinig ang tila pagsigaw. Siguradong hindi iyon rinig sa bulwagan dahil sa ingay roon. Nanakbo si Mihrimah para hanapin. Nguni, napanganga si Mihrimah nang makita ang Mama niya na galit na kausap si Faustina.“Akala mo ba, hindi makakarating sa akin ang insulto at pananakit mo sa anak ko?”Taas-noo pa rin si Faustina kahit malinaw
Last Updated : 2026-02-06 Read more