“Ouch!” irit ng babae sabay sapo ng nasaktang ulo. “You b-tch!”“B-tch mo mukha mong malandi ka!” Nagtalsikan ang laway niya sa mukha, galit na galit. May humila sa kanya pala, isa sa mga kasama ni Michelle. Napaling ang mukha niya nang sinampal siya nito. Agad siyang nakabawi, umigkas ang kanyang kamao sa sikmura nito. Napayuko ang babae at kanda-ubo. Akmang sasaktan siya ng iba pang kasama nito nang itinaas niya ang kamao. “Sige, subukan niyo para masira ang mga peke niyong ilong!” Nag-atrasan naman ang tatlo pa. “Ikaw na nga ang nanakit, ikaw pa ang matapang!” sigaw sa kanya ni Michelle na nakayakap pa rin kay Altero. “Ikaw na ang kumabit, ikaw pa ang galit!” “What the h ell are you saying?” Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakapulupot kay Altero. Saka pa lamang inalis ni Altero ang kamay ng babae kaya bahaw siyang natawa. “It’s not what you think it is!” sabi ng Espanyol at humakbang palapit sa kanya. “Alt, ang sakit ng ulo ko,” maarteng wika ng bruhang si Mich
Last Updated : 2026-02-14 Read more