“INVITATION mula sa Asia CEO Summit ‘to, ah.” Ani Jared nang makita ang isang sulat na nakalatag sa ibabaw ng working table niya.“Oo, eh. Kahapon lang ‘yan dumating, and next month na ‘yan gaganapin,” sagot niya. “Three days yata ang itatagal ng event na ‘yan,” dugtong pa niya.“Dadalo ka ba?”“Ewan, siguro, puwede naman,” sagot niya sa hindi siguradong tono.“Annual lang naman ‘yan ginaganap, bro. Sayang naman kung hindi ka dadalo. Marami kang puwedeng makilala roon,” komento ni Jared.“Makilalang ano? Kapwa CEO? Kaibigan? Babae? Linawin mo nga, bro?” nakataas-kilay niyang tanong.“All of the above!” pabirong sagot naman nito sa kanya.“Naisip ko kasi, sayang ang three days na ilalagi ko roon. Um-attend naman kami ni Dad last year sa parehong event, so pass na yata muna ngayon. Ang tatlong araw na ilalaan ko roon ay ilalaan ko na lang sa paghahanap kay Xyza,” ani niya.“May point ka naman, bro. Pero sayang kasi ng opportunity, eh. Every year ay iba-ibang tao ang makakasaluha mo roon
Mehr lesen