“BESTY, ZAYN, natatanaw ko na si Flint kasama sina kuya Jared at kuya Ronan. Magsimula na kayong mag-isip ng puwede ninyong i-acting…” mahinang sambit sa kanila ni Cyla, iniiwasan kasi nitong marinig ang sinasabi ng kasama nilang si Wilma.Mabuti na lang at medyo may distansiya ito sa kanila.“Oo nga, papalapit na sila,” ani Zayn. “Xy, gusto kong isipin mo na palabas lang natin itong gagawin natin, okay? Gusto ko kasi na maging kumportable ka sa ‘kin habang ginagawa natin ang pagpapanggap. And don’t worry, hindi ako lalagpas sa limit,” nakangiting dugtong pa nito.“I know, Zayn. Ramdam ko naman na hindi ka ganoong klase ng lalaki,” nakangiting sagot niya rito."So, since palapit na sila, kunwari ay hahawakan kita sa baywang, okay?” sambit nito na tila humihingi ng permiso.“Okay,” sagot niya.***MALAYO pa lang ay tanaw na niya ang mga kababaihan, maliban sa isang halimaw at namumukod-tanging lalaki na nakapulupot na naman ang isang braso sa maliit na baywang ni Xyza.Dahil doon ay um
Terakhir Diperbarui : 2026-02-14 Baca selengkapnya