“Kung nagalit ba siya sa akin kasi dinala kita sa bar? Tapos pinainom pa kita ng sobra.”Hindi naman. Sa totoo lang, halatang nag-enjoy pa nga si Professor Darien kagabi.Umubo nang bahagya si Harmony bago sumagot. “Hindi naman ah. Bakit ka ba kinakabahan? Nakalimutan mo na ba yung sinabi mo bago tayo pumunta sa bar kagabi?”Noong gabing iyon, medyo tinamaan na si Sammy pagkatapos kumain, pero bitin pa raw. Siya mismo ang nag-aya na mag-bar pa. Nag-alinlangan si Harmony noon, ayaw sana niyang sumama, pero agad nagsalita si Sammy nang mayabang, huwag na raw alalahanin si Professor Darien, at kung may mangyari man, siya na raw ang bahala, puntahan na lang daw siya nito.Ngayon, paggising pa lang, tawag agad, maingat pang nangingilatis ng sitwasyon.Syempre, hindi aamin si Sammy na napahiya siya sa sarili niyang sinabi. Itinaas pa niya ang boses at nagmatigas. “Hoy, hindi ako nag-aalala para sa sarili ko, ha. Ikaw ang iniisip ko. Baka pag-uwi mo, pagalitan ka ni Professor Darien.”
Read more