Narinig ni Darien ang buntong hininga ni Xander. “Para sa 'kin, medyo padalus-dalos ang naging desisyon mo.”Hindi siya sinagot ni Darien. Sa halip ay tumayo ito at nagsabing, “Ang tagal na niyang wala, pupuntahan ko lang.”Pagkatayo pa lang niya ay biglang bumukas ang pinto ng private room. Pumasok si Harmony mula sa labas.“Okay ka lang ba?” malumanay na tanong ni Darien.Ngumiti si Harmony at tumango. “Okay lang, medyo mahaba lang pila sa CR.”“Since tapos na tayong kumain, alis na tayo,” sabat ni Xander. Normal din ang tono niya. Tumingin siya kay Harmony, “Little sister in law, busog ka na ba?”Tumango si Harmony. “Oo, salamat.”Pagkatapos magbayad ng bill, sabay-sabay silang lumabas ng restaurant. Sa labas, nagpaalam na si Xander, “Nasa parking area sa labas ang kotse ko, hindi na ako sasabay sa inyo. Ingat ka sa katawan mo, little sister in law. Sana healthy ang magiging baby n’yo, ha? Bye!”Ngumiti si Harmony, medyo nahihiya. “Bye.”Habang pinapanood ni Darien ang pag-
Read more