Hindi pa rin maalis ni Meleah ang tingin sa kalsadang nilisan ng itim na sasakyan.Kahit wala na ito sa paningin niya, nanatili ang kaba sa kaniyang dibdib. Para bang anumang oras ay maaari itong bumalik at tuluyang sirain ang natitirang katahimikan sa buhay nila ng kaniyang anak.Hawak niya ang cellphone sa isang kamay habang ang isa naman ay nakadikit sa dibdib niya."Meleah, listen to me," mariing sabi ni Walden sa kabilang linya. "Stay inside. Lock the doors. Don't open them for anyone until I get there.""Walden, hindi mo kailangang pumunta rito.""Someone is watching your house, and you think I'm just going to sit here and do nothing?""I can handle this myself.""Really?" Mapait na natawa ang lalaki. "Because from where I'm standing, someone knows where you live, knows about Alliya, and is threatening you just because I'm asking questions. Tell me, Meleah, how exactly are you planning to handle that?"Napapikit siya.Ayaw niyang aminin, ngunit tama si Walden.Hindi niya alam ku
Read more