Nang gabi rin na ‘yon, tahimik pa rin ang terrace. Nakatingin si Carlos sa venue mula sa balcony, iniisip kung paano niya sisimulan ang pagharap kay Rheign. Ramdam niya ang kaba, halo ng takot at pangungulila, at alam niyang hindi na puwede pang patagalin pa.Lumapit si Harley sa tabi niya, may nakangiting plano sa mukha.“Guguluhin ko si Kyle,” sabi nito, halos bulong, “At ikaw na ang bahala kung paano mo masosolo si Rheign para makapag-usap kayong dalawa.”Tumango si Carlos, nanginginig siya sa loob pero determinado.“Sige,” maikling sagot niya habang pinipilit ayusin ang boses.Hindi pa man nagsimula ang plano, ramdam na ni Carlos ang bigat ng bawat hakbang. Alam niyang hindi madali—makikita niya muli ang mga matang dati niyang minahal, at maririnig ang bawat tanong na matagal niyang iniiwasan. Pero kailangan niyang harapin ito, para sa kanya… at para sa mga bata.Habang papalapit siya sa venue, sinilip ni Harley si Kyle, na abala sa pag-aasikaso ng kambal. Nagkatinginan lang sila
Read more