Habang patuloy na nagsasayaw sina Mavis at Pamela, hindi na nakatiis si Roswell. Mainit ang dugo niya, at sa bawat halakhak at titigan ng dalawa, pakiramdam niya ay lalo siyang nilalapastangan. Kaya’t marahas niyang ibinagsak ang baso ng alak sa mesa at tuloy-tuloy na lumapit sa gitna ng ballroom, ikinagulat ng mga bisita.“Pamela!” malakas niyang tawag, dahilan para huminto ang ilang tao at mapatingin.“Hindi ka pa rin nagbabago… kahit noon pa, gusto mo lang magmukhang mayaman para mapansin ng iba!”Natigilan si Pamela, ngunit bago pa man siya makasagot, kumilos na si Mavis. Dahan-dahan itong bumitaw sa sayaw, humarap kay Roswell, at tumikhim.“Excuse me,” malamig na tinig ni Mavis. “You’re interrupting my event. I don’t think you belong here if you can’t control your temper.”“Hindi mo alam ang sinasabi mo, Mr. Moscov!” balik ni Roswell, nanginginig ang tinig. “Asawa ko si Pamela—”“Ex-wife,” mariing putol ni Pamela, dahilan para mapahinto ang lahat. Malakas ang boses niya, puno ng
Read More