Nagpatuloy ang meeting na parang walang nangyari—parang dalawang estranghero lang sina Meleah at Walden sa harap ng ibang executives. Ngunit sa ilalim ng mesa, sa bawat sulyap at bawat paghinga, ramdam ang tensyon na hindi maitatago. Tahimik na nakatayo si Meleah sa gilid, hawak ang tablet habang ipinapakita ang presentation. Kahit nanginginig ang kamay niya, pinilit niyang maging maayos ang bawat detalye. “Next slide, Miss Meleah.” malamig na utos ni Walden. “Yes, Sir.” sagot niya, pero saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata. At sa isang iglap, bumalik ang alaala— “Wag mo akong iiwan, Meleah…” “Pangako, Walden… kahit anong mangyari.” Napakurap siya, agad pinigilan ang sarili. Hindi ngayon. Hindi dito. Natapos ang meeting nang walang aberya. Isa-isang lumabas ang mga tao, hanggang sa silang dalawa na lang ang natira sa conference room. Tahimik. Mabigat. Parang bawat segundo ay may dalang hindi nasasabi. “Impressive.” biglang sabi ni Walden, nakatalikod habang
Magbasa pa