Kinabukasan, hindi pa man lubos na nakakabawi si Criza ay bumaba na siya sa kusina, upang tumulong magluto.“Aba, Criza, buhay ka pa pala?” malamig na sabi ni Heidi, sabay tingin sa magang kamay ng dalaga. “Alam mo, nakakahiya at pabigat ka sa mansion na ‘to. Kung ako kay Sherwin, matagal na kitang pinaalis.”Hindi umimik si Criza, nakayuko lang habang nag-aayos ng mesa.“Ngayong araw,” ngumisi si Heidi, “May party mamaya sa mansyon. Ikaw ang maglilinis sa buong hall, magdadala ng mga inumin, at ikaw ang magsisilbi sa harap ng mga bisita. Gusto kong makita kung paano ka mapapahiya sa harap ng lahat.”“Ma’am… namamaga pa po ang kamay ko—”“Wala akong pakialam!” singhal ni Heidi, saka sinampal ang tray na hawak ni Criza, dahilan para mahulog at mabasag ang baso. “Kung hindi mo kaya, aalis ka ngayon mismo!”Hindi na nagsalita pa si Criza at tumango na lang.Kinagabihan, dumating ang mga bisita—mga business partners ng Romano. Nakapustura si Heidi at todo ang pagpapakita ng pagiging fianc
Read more