Hindi umuwi ng gabing ‘yon si Thor. Sobrang nag aalala ako sa kaniya pero wala naman akong alam na paraan para makausap siya.Kinaumagahan nag text sa akin si Divine, ang kaibigan ko, na siyang nagbabantay kay Astria ngayon.“Mama!” Masaya akong niyakap ng anak ko, ginantihan ko naman ito ng mahigpit na yakap.Napagpasyahan namin na magkita na lang sa malapit na mall. Tatlong araw na din kasing hindi umuwi si Thor, ayaw ko din naman na pumunta sa kompanya dahil natatakot ako sa maaring mangyari doon. Mabuti na lang medyo naghilom na ang gasgas sa baba ko.“Parang walang tulog girl ah,” puna sa akin ni Divine bago ako niyakap. “Anong nangyari sa baba mo?”Tipid akong ngumiti. “W-Wala lang iyan, may kwento ako…” Pag-iiba ko ng usapan.Kumandong sa akin si Astria, hinayaan namin siyang kumain habang nag-uusap kaming magkaibigan.“Ano sa tingin mo?” Tanong ko pagkatapos kong ikwento sa kaniya lahat.Sa sobrang detalyado ng pagkukwento ko nakarating na kami sa palaruan ng bata. Hinayaan na
Last Updated : 2025-08-13 Read more