Nang mga oras na ’yon ay jindi alam nina Tamara, Melody, Apollo, at Liven na sa kabilang bahagi ng bahay ay may isang maliit na batang gising na. Nagising si Thunder dahil sa isang masamang panaginip, at nang hindi niya makita agad ang kanyang Mommy sa silid, dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama. Sa halip na lumabas at hanapin si Tamara, narinig niya ang mahihinang boses na nagmumula sa sala. Dahil pamilyar ang mga boses, napalapit siya sa pintuan at maingat na sumilip sa maliit na siwang nito.Hindi niya maintindihan kung bakit tila malungkot ang lahat.Nanatili siyang nakatayo sa hallway, suot pa rin ang kaniyang pambahay at hawak ang maliit niyang unan. Hindi siya lumapit dahil narinig niyang pinag-uusapan ng mga matatanda ang isang bagay na tila napakahalaga. Habang nakikinig, unti-unting nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha nang marinig niya ang pangalan ng kanyang sarili at ng kanyang kambal na kapatid.“Ang totoo po… alam ko kung sino ang tunay na ama nina Thunder at Lia
Leer más