LOGINLEXUS & TAMARA’S LOVE STORY Matapos pumanaw ang ina ni Tamara, kinupkop siya ng pamilyang Luxerio. Hindi niya inaasahang mahuhulog ang loob niya kay Lexus—ang step-brother niyang handang gawin ang lahat para makasama siya. Natakot siya at umalis… dala ang sikretong siya’y buntis. Five years later, she returned home with her twin babies. Muling nagkrus ang kanilang landas ni Lexus, ngunit hindi na ito ang lalaking nakilala niya noon. Tinitingnan siya nito na para bang isa siyang estranghero. Mas lalong nadurog ang puso niya nang matuklasang engaged na si Lexus—at buntis ang babae. Plano sana niyang ipagtapat ang tungkol sa kanilang mga anak, ngunit sa huling sandali, nagbago ang kaniyang isip. Masaya na si Lexus, at ayaw na niyang guluhin pa ang buhay nito. But deep inside, she was shattered. Ngunit ano ang mangyayari kung matuklasan ng kanilang kambal na anak ang katotohanan tungkol sa kanilang tunay na ama? Paano kung malaman ito mismo ni Lexus? Will she lie and run away again? Or will she finally face the past she has long been avoiding? LOVING THE BILLIONAIRE’S SERIES 1
View MoreAt bago pa sila makasagot, kinuha ni Diego ang susi ng kotse at umalis nang hindi na lumingon pa.Habang nasa loob ng sasakyan, mahigpit niyang hinawakan ang manibela. “Hindi ko hahayaang tuluyan niyong sirain ang babaeng minamahal ko.” sambit ni Diego.Nagtungo siya sa tinutuluyang bahay ni Mirabel. Mas gugustuhin niyang makasama ito, kaysa sa yaman ng Santimayor pero wala namang kasiyahan sa lugar na ‘yon. His life was not there, kundi sa tabi lang ni Mirabel.Samantala si Mirabel, ay kasalukuyang malalim ang iniisip at nag-aalala kay Diego.“Mirabel…”Natigilan siya. Dahan-dahan siyang napalingon, at nanlaki ang mga mata nang makita si Diego, nakatayo sa harap ng kanilang bakod. “Diego?” mahina niyang sambit at halos hindi makapaniwala. Mabilis na lumapit sa kaniya si Diego.“Hindi ka dapat nandito,” sambit ni Mirabel, saka umiwas ng tingin. “Ayokong masira ka sa pamilya mo. Ayokong ako pa ang maging dahilan ng pagkasira niyo.”Hinawakan ni Diego ang kaniyang kamay, “Wala na ak
Natahimik ang buong palengke. Si Mirabel ay nakatingin lang kay Diego, hindi makapaniwala sa mga naririnig.Ngumiti ito sa kaniya, marahang inabot ang kamay niya. “I told you, hindi ko hahayaan na masaktan ka niya ulit.”Habang si Cassandra ay napahawak sa dibdib, nanginginig sa galit. “Hindi mo alam kung anong sinimulan mo, Diego…”Ngumiti si Diego, malamig ang mga mata. “Alam ko. At handa akong tapusin ito para kay Mirabel.”Kinabukasan, sa malawak at marangyang Hacienda Santimayor, abala si Senyora Belinda sa pag-aasikaso ng mga papeles para sa kanilang negosyo. Tahimik ang paligid, maliban sa tunog ng takong ni Cassandra na papalapit sa opisina.Pagpasok nito, agad siyang ngumiti nang may balak, “Tita…” mahinahong bati ni Cassandra. “Kailangan po nating mag-usap tungkol kay Diego… at doon sa babaeng si Mirabel.”Tumingin si Senyora Belinda, halatang hindi pa rin natutuwa sa nangyari kamakailan. “Ano na naman ‘yan, Cassandra? Akala ko ba’t tapos na ‘yang isyung ‘yan?”Umiling si Ca
“Ha?! Aba’t kapal naman ng mukha ng mga ‘yon!” halos pasigaw niyang sagot. “Sino? ‘Yung senyora? ‘Yung mataray na parang laging may kaaway?”Natawa ako. “Hindi siya, pero ex ni Diego, si Cassandra.”“Ay, ‘yung ex niyang piniling manirahan sa Maynila dahil kuno sa pagiging modelo! Sus, iniwan si Senyorito Diego, tapos ngayon babalik balik ay sisirain ang love life niyo! Kung nandoon ako baka kinalbo ko na ‘yon!”Natawa ako sa sinabi ni Betcha. “Ipagtanggol mo ‘ko?” “Siyempre! Tapos papakainin ko siya ng dumi ng kalabaw!” sabay malakas nitong tawa.Napahagalpak din ako ng tawa, hawak ang tiyan. “Grabe ka talaga! Masaya ako na makasama ka ulit!”“Masaya din ako, Bestie!”Matagal kaming nagtawanan hanggang sa unti-unting nawala ang ngiti ko. Napayuko ako, at mahina akong napabuntong-hininga.“Uy…” mahinang sabi ni Betcha, “Bakit parang biglang naging malungkot ka?”Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya. “Kasi, Betcha… totoo na ang nararamdaman ko. Hindi ko na kayang itanggi.”ramdam kong
“Eh ‘di siguro nakalimutan mong itago nang maayos! At habang kinukuha mo ang alahas ko ay nalaglag mo ito!” ganting tugon niya, sabay kunot ng noo. “You think hindi ko malalaman? Alam kong may motibo ka kaya ka narito sa hacienda!”.“Cassandra, hindi totoo ‘yan!” nanginginig kong sabi. “Hindi ko kailan man gagawin ‘yan! Nagsasabi ako ng totoo!”Ngunit lumapit si Senyora Belinda, “Mirabel, nakikita ko na maraming dahilan para manatili rito. Pero kung magnanakaw ka, hindi ko na kailangang marinig pa ang paliwanag mo.”“Pero, Senyora—”“Enough!” sigaw niya. “Huwag mo nang i-deny. Kung hindi dahil kay Diego, matagal na kitang pinaalis dito!”Naramdaman kong nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung iiyak ako o sisigaw ako. Pero bago pa ako magsalita, ay nagsalita si Diego.“Ma, Cassandra, tama na ‘yan.” matalin siyang tumitig kay Cassandra, “Hindi si Mirabel ang kumuha ng alahas mo.”“Ha? Eh, sino, ikaw?” sarkastikong tanong ni Cassandra.“Hindi. Pero alam kong kasinungalingan ‘to.”
Magsasalita na sana ako pero nawala ang atensyon ko kay Lexus nang biglang may sumulpot sa harapan ko, kasabay ng isang pamilyar na tinig.“Waaaah! Ate Tamara!” tila umiiyak na batang sambit ni Massie.Napangiti ako nang makita ko ito at mahigpit kong niyakap. Ang laki na ng pinagbago niya. Dalagan
“Tulungan mo ’ko, Franz,” halos pabulong pero puno ng desperasyon kong sambit habang pinipigilan ang panginginig ng boses ko. Ramdam ko rin na nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit na nakakapit sa kumot. “Tulungan mo akong makaalis ng bansa. Hindi ako puwedeng magtagal pa rito. Hindi dapa
Tamara’s Point of View“Let’s break up.” sambit ko habang pilit na pinipigilan ang pagtulo ng mga luha na kanina pa nagbabantang bumagsak. Kaagad na napakunot ang noo ni Lexus, para bang hindi pa rin niya iniintindi ang ibig sabihin ng sinabi ko. “That’s not a good joke, Babe,” aniya, may bahagya
Umalis na sina Lexus at Aryana, at kahit isang sulyap ay hindi man lang ibinigay ni Lexus kay Tamara. Naiwan sila sa venue, kasama ng ingay ng musika at halakhakan ng mga bisita, pero para kay Tamara, parang wala na siyang naririnig. Parang lahat ay biglang naglaho at siya na lang ang naiwan sa git


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore