Kinabukasan ay maaga pa lang ay gising na si Tamara. Tahimik ang buong bahay, tanging huni ng mga ibon at mahinang kaluskos ng hangin sa mga kurtina ang maririnig. Nakasandal siya sa wooden railing ng balkonahe, hawak ang isang tasa ng kape na halos hindi niya nalalasahan. Mabigat ang dibdib niya, hindi dahil sa problema—kundi dahil sa desisyon na kailangan na niyang gawin.Kasunod ng maliliit na yabag, lumabas si Liana, ang panganay niya, dala ang paborito nitong plush toy.“Mommy… are we really going back to Singapore?” tanong nito, nakakunot ang noo, may halong lungkot sa boses.Napatingin si Tamara sa anak, bago pa siya makasagot, lumabas si Thunder, kasunod si baby Sofia na nasa yakap ng kanilang yaya.“Mom, gusto ko dito,” sabi ni Thunder, diretso at walang pasikot-sikot. “I can play outside. I can be with Lolo. And… mas masarap pagkain dito.”Natawa si Tamara kahit papaano, pero sa likod ng tawa niya ay pagtatama ng isip at puso.Umupo sila sa balkonahe—magkakatabi, magkakadiki
Last Updated : 2025-11-16 Read more