Sabay kaming nagtungo ni Diego sa plaza para sa pag-aayos ng float. Mainit ang araw pero mas mainit yata ang ulo ko. At halos tatlong oras na kaming nag-aayos ng mga bulaklak sa float para sa pista, at parang mas madali pa sigurong tumakbo ng marathon kaysa makatrabaho si Diego.“Mirabel, masyadong makapal ‘yung dahon dito,” sabi niya habang nakatayo sa tabi ko, nakapamaywang.“Eh, kasi gusto ko leafy look, para natural!” sagot ko habang pinipindot ang glue gun.“Natural? Eh, parang gubat ‘tong ginagawa mo.”“Eh, anong gusto mo, parang sementeryo?”Napahinto siya at tiningnan ako, saka tumawa ng malakas. “Alam mo,” sabi niya habang nakangiti, “Ang kulit mo talaga.”“Compliment ba ‘yon o insulto?”“Depende,” sabi niya, sabay abot ng bulaklak sa akin. “Kung ganyan ka lagi, baka mas madali mo akong makuha.”Napatigil ako. “Excuse me? Ayokong makuha ka, ah?! Lugi ako, lalo at masungit ka!”“Kaya ngani, iniiwasan ko na magsungit ngani.” sabay tawa niyang muli habang nakatitig sa akin.Nati
Leer más