Habang abala sina Lexus at Tamara sa bagong routine nila bilang co-parents, sabay namang gumagalaw sina Liven at Arman sa sarili nilang paraan. Hindi muna sila haharap kay Aryana, ang focus nila ay alamin ang mga konkretong ebidensiya sa likod ng mga kahina-hinalang pangyayari.Samantala, sa kabilang bahagi ng lungsod, abala si Aryana sa mga paghahanda para sa nalalapit niyang kasal kay Lexus. Halos araw-araw ay may bagong appointment sa kaniyang schedule—fitting ng gown, pagpili ng dekorasyon, pag-uusap tungkol sa reception, at pag-review ng guest list. Sa social media, patuloy niyang ibinabahagi ang ilang bahagi ng preparations, kaya lalong dumarami ang mga taong nakakaalam at excited sa kanilang kasal. Sa paningin ng lahat, tila nasa pinakamaganda siyang yugto ng kaniyang buhay dahil malapit na niyang mapangasawa ang lalaking matagal niyang pinangarap. Ngunit habang abala ang lahat sa pagdiriwang, may dalawang taong hindi nakatingin sa engagement ring niya kundi sa mga lihim na maa
Leer más