~Agathe~Nararamdaman ko ang pagbabara sa aking lalamunan habang nasaksihan ko siyang maging mahina sa harapan ko. Pero, bakit ako hihingi ng tawad sa isang bagay na ni hindi ko maintindihan?“Gunther, maniwala ka, wala talaga akong alam sa sinasabi mo. Wala akong maalala. Ang huling alaala ko ay 'yung nag-aalmusal tayo ni Carlyle sa breakfast nook.” Paliwanag ko habang humihingal, desperadong ipaintindi at ipakiusap na magtiwala siya sa akin.“Wala akong maalala.” Ulit ko, sinadya kong idiin ang mga salita para siguruhing marinig niya kung sakaling hindi niya ito narinig sa una. “Wala talaga akong maalala!”Muling napuno ng luha ang aking mga mata, ngunit pilit kong pinigilan ang mga ito na bumagsak sa aking mga pisngi.Tinitigan ko siya ng diretso, hindi kumukurap, umaasang mababasa niya sa aking mga mata ang katotohanan, na totoo ang sinasabi ko.Makaraan ang ilang segundo, tila unti-unti nang kumalma si Gunther. Pinigilan din niyang pumatak ang kanyang mga luha, kahit na pinunasan
Last Updated : 2025-08-19 Read more