Handang isakripisyo ni Agathe Clementine Capucine ang lahat para sa kanyang ina. Napilitan siyang makipagkasundo kay Gunther Percival Silvestri, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya na namuno sa Stonewood City sa loob ng maraming siglo, dahil nasa panganib ang buhay niya at ng kanyang ina. Maliban sa pagpapagamot ng kanyang ina at maligtas ang kanyang buhay, inisip niya kung ano pa ang maaaring mangyari. Hindi niya inaasahan, gayunpaman, na sa gabing iyon, siya ay ikakasal kay Gunther at magpapanggap bilang kanyang tapat na asawa habang pumipirma ng kontrata para gawing pormal ang kanilang pagsasama. Nag umpisang maguluhan si Agathe habang lumilipas ang mga buwan. Nakikipaglaro pa ba siya, o nakahanap na ba ng paraan si Gunther para makuha ang wasak na puso niya?
View More~Agathe~
“Mang akit ka ng isang matandang hukluban na may limpak-limpak na pera upang sa wakas ay mapondohan mo na ang pagpapaopera ng iyong ina.”
Inayos ko ang walang laman na platter ng highball glasses sa countertop, sinulyapan ko si Grazie para ipakita sa kanya ang naguguluhan kong ekspresyon.
"You are in desperate need of cold cash, 'di ba? It's all over your pretty face.”
Tumingin ako sa ibaba, nakasasakal na kalungkutan ang makikita mula sa aking bughaw na mga mata. Napansin marahil ni Grazie na may gumugulo sa akin simula pa kaninang umaga.
Gulong-gulo na ang isip ko. Nakatanggap ako ng tawag mula sa nag-iisang ospital sa aming nayon.
Sinabi sa akin ng punong doktor na nagtatrabaho doon na mas lumala ang kalagayan ng aking ina. Hindi na gumagana ang kanyang mga gamot at kailangan na niyang maoperahan sa lalong madaling panahon.
At, dapat itong mangyari ngayong gabi kung hindi ay huli na ang lahat para sa aking kaawa-awang ina. Ang tanging komplikasyon ay, wala pa akong naihanda na pera.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Graz." Bulong ko, at may nag-iisang luha ang bumagsak sa mata ko. Dali-dali ko itong pinunasan.
Ang pagtatrabaho sa isang maliit na restaurant na tulad nito sa Snowflake Village na aming nayon at binabayaran ng mas mababa sa minimum na sahod ay hindi nakapagbibigay sa akin ng halagang kailangan ko.
Ang pagiging isa sa mga kapus-palad ay parehong pahirap at nakakainis.
"Agathe." Hindi alam ni Grazie kung paano ako icomfort. Ang kahit anong salita ay hindi sapat upang bigyang-katwiran kung gaano ako nasasaktan sa sandaling iyon. Ang aking ina ang kahulugan ng mundo para sa akin.
"Sundin mo na lamang ang payo ko. Natatandaan mo pa ba iyong matandang hukluban na palaging nagtatangkang kausapin ka?”
"Mr. Schneider? God. Hell, no."
Halata ang galit sa tono ko. Ang matandang hukluban na iyon ay isa sa mga humahanga sa akin.
Siya ay medyo may kaya at naninirahan sa Stonewood City buong buhay niya. Ang Stonewood City ay ang kumikinang na lungsod kung saan naninirahan ang bawat mayamang angkan sa bansang ito. Nakatayo lang ito sa tabi ng village namin.
Sa gitna ng lahat ng iyon, hindi ako maglalakas-loob na akitin siya dahil sisenta't siyam na siya, for Pete's sake! Mas matanda pa para maging lolo ko!
"Bakit hindi, Agathe?" Boses ni Grazie ang nagpagising sa akin mula sa daloy ng mga iniisip ko.
"Ang ganda mo. Gamitin mo iyan. Makipagtalik ka sa matandang hukluban na iyon once and for all at pagkatapos ay humingi ka sa kanya ng isang daang milyong dolyares para doon.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang kahihiyan. Hindi na kailangan sabihin, ang sex ay isang bawal na paksa para sa akin.
Alam ng lahat ng tao sa aming nayon na hindi pa ako nahawakan o nahalikan man lang ng sinuman. Kahit na tiyak, lahat ng lalaki dito ay nagpapantasya tungkol sa akin.
Sa kabila noon, walang sinuman, ang nakakuha ng puso ko. Hindi naman sa hopeless romantic ako o ano.
O, naniniwala ako sa isang tunay na pag-ibig at isang kaakit-akit na prinsipe ang bibihag sa aking puso. No. Absolutely not.
Hindi ako naniniwala sa pag-ibig dahil alam kong hindi ito para sa mga katulad ko. Katulad kong walang ibang ipagmamalaki kundi ang pride at dignidad ko lang.
Natutunan ko sa pinakamahirap na paraan na ang mayayaman ay para lamang sa mayayaman.
Higit sa lahat, naging abala ako sa pagsasaayos ng oras ko para magtrabaho at mag-aral. Ako ang nagtustos sa aking ina mula noong ako ay labindalawang taong gulang lamang matapos ang aking ama ay namatay sa isang avalanche.
Simula noon, ginampanan ko ang kanyang tungkulin sa pag-aalaga sa aking ina. Siya ang aking lifeline. Ang tanging malaking dahilan kung bakit patuloy kong tinitiis ang malupit na mundong ito sa bawat araw.
"Grazie, hindi ko ipagpapalit ang sarili kong puri para lang sa pagkuha ng maruming pera mula sa isang maruming matandang hukluban.”
"Hindi ito matatawag na marumi kung pinaghirapan mo ito. You know what I mean.”
Kinindatan ako ni Grazie. Muntik na akong masuka nang pumasok sa isip ko ang mga censored na imahe. Hindi ako makapaniwala na nagawa niyang ipa-picture sa akin ang scenario na iyon.
Hindi ko alam kung paano siya naging isa sa mga malalapit kong kaibigan. Ang kanyang mga salita ay palaging nakakagulo sa akin at palaging nakakagulat.
"No, thank you. Hinihintay ko ang approval call mula sa Silvestri Medical Hospital. They must sponsor my mother's surgery no matter what happens.”
Napailing si Grazie habang nilalagyan ko ng tubig ang isa pang batch ng mga baso para i-serve sa table four at table six.
"Umaasa ka pa rin ba na mangyayari iyon? Agathe, it's been months. Tsaka, hindi naman nakapasok ang nanay mo sa listahan nila.”
Nag-igting ang panga ko. Hindi ko maintindihan. Hinding-hindi. Ang Stonewood City ay pinamumunuan ng mga Silvestri sa loob ng maraming siglo. Sila ang pinaka-loaded at pinakamayamang angkan sa lungsod na iyon.
Ang kanilang nagdadamihang mga ospital ay nag-isponsor ng mga mahihirap na pasyente mula sa bawat nayon sa paligid ng lungsod. Sa kasamaang palad, hindi napili ang aking ina na maging benepisyaryo nila.
Ginawa ko ang lahat para kumbinsihin sila na ang aking ina ay karapat-dapat sa kanilang pag-sponsor. Gayunpaman, patuloy nilang tinatanggihan ang aplikasyon ng aking ina sa hindi malamang dahilan.
Isang dahilan kung bakit kinasusuklaman ko ang apelyido na 'Silvestri' hanggang sa kawalang-hanggan.
"Mangyayari iyon. At, kung pipilitin nilang bayaran ko ang lahat ng iyon sa takdang panahon, gagawin ko.”
Sinabi ko ang lahat ng mga bagay na iyon na may nagniningas na determinasyon sa aking mga mata. Itinaas ni Grazie ang kanyang mga kamay para sumuko sa pagkumbinsi sa akin at ipinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape para sa aming mga customer.
"Agathe, bakit nakatayo ka lang diyan? Kanina pa naghihintay yung lalaking nasa table fifteen ng waitress na kukuha ng order niya. Chop chop, girls. This is not a gossip station.”
Iyon ang supervisor namin, si Filo, na laging gustong ilabas ang kanyang frustration sa mga waitress sa restaurant na ito.
Matandang dalaga na siya sa edad na apatnapu't dalawa at higit niyang isinisisi ang lahat ng iyon sa akin. Pinanagot ako sa pamamagitan ng patuloy na pagsasabi sa akin na binihag ko ang lahat ng lalaki sa nayong ito.
As if gusto ko mangyari yun in the first place. "Coming right up.” Muli kong dinampot ang platter ng mga baso, naglakad at nilagpasan si Filo.
Matapos ihain ang mga baso ng tubig sa pang-apat at pang-anim na mesa, kinuha ko ang aking notepad mula sa mga bulsa ng aking apron at humakbang patungo sa huling lamesa.
Ito ay matatagpuan sa pinakadulong bahagi ng restaurant at ang iba pang mga lamesa sa paligid nito ay puno ng mga customer.
Tanghalian na noon at gutom na gutom na ako. Kumakalam na ang tiyan ko dahil siguro hindi pa ako nakakain ng almusal. Pero, kailangan ko pa ring ihain muna ang pagkain ng lahat bago ako makakain.
Malapit na ako sa table fifteen nang nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng mamahaling black suit na nakaupo sa kanyang upuan na parang pag-aari niya ang lugar. Nakaharap sa akin ang malapad niyang likod kaya naman hindi ko makita ang kanyang mukha.
Nakatitig siya sa salamin na dingding, pinagmamasdan kung paanong ang nagyeyelong niyebe ay napakagandang umagos pababa mula sa langit. Napahinto ako sa paglalakad nang biglang umatake sa ilong ko ang panlalaking pabango niya.
Oddly enough, he smelled so good na gusto ko na lamang biglang ipikit ang aking mga mata para samyuin iyon. Buti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Hindi ito ang perpektong oras para gawin iyon.
Sa wakas, tumayo ako sa harap ng lalaki at hihingin na sana sa kanya ang kanyang order nang maramdaman kong parang may sumuntok sa sikmura ko sa sandaling napatitig ako pabalik sa kanyang nakakamanghang, madilim na amber na mga mata.
Kapansin-pansin ang taglay niyang kaguwapuhan at parang isang mortal na kasalanan ang tingnan siya pababa. Mayroon siyang perpektong parisukat na panga na sumisigaw ng lubos na awtoridad.
Ang pinong aristokratikong ilong, manipis na pinkish na labi, mahabang kulot na pilikmata, at makapal na kilay ang lalong nagpatingkad sa kanyang nakakasilaw na mga mata.
Bumaba pa ang tingin ko at kahit nakasuot na ng suit, nakikita ko pa rin kung gaano siya kapayat at katipuno sa ilalim ng magarang damit.
Nung tiniklop niya ang kanyang long sleeves, muntik na akong mahimatay. Mga ugat na lumalabas mula sa kanyang mga braso ang paborito kong tanawin ngayon sa mundo.
Napapalunok, tumikhim ako. Napansin niya siguro na nakatitig ako sa kanya sa loob ng ilang segundo, na siyang naging sanhi ng pag-init ng pisngi ko.
Goodness gracious. Sino bang hindi? Hindi pa ako nakakita ng ganoon kagandang lalaki sa buong buhay ko.
Marahil siya ay mula sa ibang mga nayon? O, mula sa Stonewood City batay sa kanyang marangyang pabango at suit?
"Magandang hapon po, sir. What can I get for you?"
Muling nagtama ang aming mga mata at para akong mauubusan ng hininga. Sana lang ay hindi niya ito mapansin. Itinabingi niya ang kanyang ulo at tumitig na parang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko, ng walang pagmamadali, habang ang kanyang baba ay nasa kanyang kamay.
"You.”
Napakurap ako, medyo naguguluhan. Ano nga ulit ang sinabi niya? "Uhm. Excuse me?”
Nagdilim ang kanyang mga mata. Hindi umaalis sa akin ang kanyang tingin. "I want. . you.”
Ohh. Tumayo ako ng maayos, umawang ang bibig. Paano ako naaapektuhan ng tatlong salitang iyon? Marahil, iyon ay dahil sa kanyang malalim at baritonong boses.
I scoffed, sinusubukang itago ang epekto ng mga salita niya sa akin.
"Pasensya na ho kayo, sir. Ano nga ulit iyon?" Baka mali lang ang narinig ko.
"You heard me. Don't make me repeat myself.” Binibigkas niya iyon nang hindi tinatanggal ang tingin sa akin.
What the hell? Ang nakakainis niyang kayabangan ay sadyang wala sa lugar.
"Sir, with all due respect." Ngumiti ako, isang pilit na ngiti. "I'm asking what you want to order because obviously, this is a restaurant. Not a pick-up bar. And, I'm not a harlot. I'm a waitress.”
Napangisi ang napakagandang lalaki. Ang dekko sa kanyang madilim na amber na mga mata ay kitang-kita ang kanyang pagkatuwa.
Sasagot pa sana siya pero tumunog ang phone ko sa bulsa ko. “Sandali lang po, sir.”
Kinuha ko ang phone ko at sinagot agad ito matapos makita ang pangalan ni Dr. Farah sa caller's I.D.
"Doc, ano po yun?"
"Miss Capucine, tungkol ito sa nanay mo. Inatake na naman siya. Pasensya na.”
Hindi ko namalayang nalaglag ko ang phone ko sa sahig, gumuho ang buong mundo ko. Tumakbo ako palayo doon sa pinakamabilis kong makakaya, umiiyak ng husto.
Lubos na nakalimutan ang napakarilag na lalaking may madilim na amber na mga mata. Isang bagay na hindi ko akalaing pagsisisihan ko sa huli.
~Agathe~“Baby, mapapatawad mo rin ba ako?” Tanong ni Gunther sa aming anak nang medyo kumalma na siya. “Pasensya na kung nabigo akong maging ama sa’yo nitong nakaraang apat na taon. Pasensya na kung ilang ulit kitang tinangkang itaboy at itanggi, na hindi ko na mabilang.”“Naiintindihan ko po, Daddy. Lagi namang sinasabi ni Yennie sa’kin na nasasaktan ka lang dahil sa pagkawala ni Mommy.” Tumahimik kaming dalawa matapos iyon, pero nagpatuloy si Carlyle.“Mahal na mahal ko kayo, Mommy. Mahal na mahal ko rin kayo, Daddy. Pinapatawad ko na po kayong dalawa.” Sabi ni Carlyle, habang pinagdudugtong ang kamay ko at ni Gunther. “Please, Mommy, huwag mo na kaming iwan ulit. Huwag mo na kaming iwan ni Daddy. Kailangan ka namin ni Daddy dito. Kailangan ka namin.” Tumango ako sa kanya ng paulit-ulit sa kanya.Alam kong aabutin pa ng mahabang panahon bago niya ako lubusang mapatawad, pero handa pa rin akong gawin ang lahat para mabawi ang panahong nawala sa amin ni Gunther kasama si Carlyle.“Ma
~Agathe~[Present Time]Binuksan ko agad ang aking mga mata at napakunot ang aking noo nang makarinig ako ng kung anong ingay sa loob ng bahay. Tumigil ang mga alaala na umiikot sa aking isipan, pero wala na akong pakialam dahil bigla akong kinabahan.Parang may kaguluhan, at ang tanging mga taong naiwan sa loob ng bahay ay sina Graziella at Thaddeus.Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa bahay, hindi man lang lumingon sa libingan ng aking mga magulang. Binuksan ko ang likurang pinto ng kusina at pumasok sa loob, desperadong hinahanap sina Graziella at Thaddeus.Paano kung sinundan kami ni Gunther at sinaktan sina Grazie at Thad dahil hindi niya ako makita sa loob ng bahay? “Grazie? Thad?”Napasinghap ako at parang hinugot ang kaluluwa ko sa aking katawan nang makita kong nag-aaway sina Gunther at Thaddeus sa sahig. Nanikip ang dibdib ko sa sakit nang mapansin kong puno ng pasa at galos ang gwapong mukha ni Gunther.“Nasaan ang asawa ko, Thaddeus!” Sinuntok ni Gunther si Thaddeus sa
~Agathe~Naalala ko ang aking pagkabata na puno ng galit na nakaukit sa puso ko.Kahit napapalibutan ako ng mabubuting tao, hindi ko kailanman nakalimutan ang pangako ko sa sarili noong ako’y limang taong gulang.[Flashback, five years ago]“Huli ka na naman, Miss Capucine.” Sabi ng aming guro sa Ingles pagkapasok ko sa silid-aralan.“Pasensya na po, Miss Kim.” Paghingi ko ng paumanhin bago umupo sa aking upuan. Binuksan ko ang aking aklat sa panitikan sa pahina singkuwenta’t tatlo gaya ng nakasulat sa pisara.Gaya ng inaasahan, nagsimula na namang magbulungan ang aking mga kaklase tungkol sa akin. “Naku. Hindi ko siya matiis. Nakakaawa siya. Pinapamukha niya na mumurahin ang ating nayon sa suot niyang mumurahing damit.”“Walang saysay ang ganda niya kung patay na rin naman ang tatay niya. Sino ba namang namamatay sa avalanche?” Sabay tawa ng lahat, at wala man lang ginawa si Miss Kim para pigilan sila.“Alam naman ng lahat na may sakit ang nanay mo at nagtatrabaho ka sa isang restawr
~Agathe~“Dapat maligo ka muna, Agathe, at magpalit ng malinis na damit.” Suhestiyon ni Graziella sa akin nang sa wakas ay makapasok kami sa bahay.Napasinghap ako at halos muling mapuno ng luha ang aking mga mata. Napakalinis at maayos ng lahat sa loob ng aking bahay.Tinapik ni Graziella ang aking likod. “Bumabalik ako rito araw-araw para maglinis at diligan ang mga halaman mo, umaasang kahit anong araw ay uuwi ka. Alam kong ilang linggo ka lang nawala, pero ang pag-iisip na baka hindi na kita muling makita ay labis na bumagabag sa akin.”Mabilis na isinuot ni Graziella ang sapatos sa aking mga paa. “Inisip ko na gusto mo munang bisitahin ang iyong ina at ama, kaya isuot mo ito. Diyos ko, ang lamig ng mga paa mo.”Pinunasan niya ang mga luhang bumagsak sa kanyang mga pisngi at muling tumayo. Inakay niya ako papunta sa kusina, kung saan naroon ang pinto patungong likuran ng bahay.Tahimik na sumusunod sa amin si Thaddeus habang binubuksan namin ang pinto papunta sa bakuran, at muling
~Agathe~Siguradong magbabago ang lahat ng dahil dito.Paano ko na haharapin si Carlyle ngayon na napatay ko ang sariling mga lolo’t lola niya?Nanlaki ang mga mata ko nang agawin ni Graziella ang mga papel mula sa kamay ko at ibato pabalik sa kandungan ni Thaddeus.“Hindi na siya babalik sa mansyon na ‘yon. Idiretso mo kami sa Snowflake Village, Silvestri. Itatago ko siya para walang makasakit kay Agathe ulit.”Isang luha ang pumatak mula sa mata ko hanggang sa hindi ko na mapigilan. Bigla na lang akong napaiyak nang todo at tuluyang bumigay.Paano ito nangyari? Paano ko naging anak si Carlyle?Paano nagkaroon ng ganoong ka-cute at kaakit-akit na bata mula sa akin?Paano niya ako mapapatawad ngayon na posibleng nakita niya na ako ang pumatay sa sarili niyang mga lolo’t lola?“Grazie, anak ko si Carlyle.” Sabi ko na may bahid ng kaligayahan sa boses ko. Pero, alam kong ramdam din nila ang matinding pighati sa kaibuturan ko.Humarap si Graziella mula sa passenger’s seat at tumingin sa
~Agathe~Namangha ako nang bigyan ako ni Yesenia ng isang kakaibang tingin. May bahid ng pagkadismaya sa kanyang mga mata.Parang gumuho ang puso ko nang makita ko ang tingin niyang iyon.Inasahan kong siya ang unang makakaunawa na wala akong intensyon na mangyari ang lahat ng ito.Akala ko pa nga, ipagtatanggol niya ako at aakuin niya na magiging maayos din ang lahat.“Arghhh. .” May narinig akong umuungol sa likuran ko at nang lumingon ako, nakita ko si Calixto na dahan-dahang umuupo.Nakapikit pa rin ang mga mata niya habang maingat na hinahawakan ang likod ng kanyang ulo, kahit na bahagya pa rin itong dumudugo. Gustong-gusto kong ipakita ang pasasalamat ko na nagising siya, at gusto ko ring tanungin kung ayos lang ba ang pakiramdam niya.Ngunit nang ibinalik ko ang atensyon ko kay Gunther, napansin kong hindi man lang gumalaw ang tingin niya. Patuloy niya akong tinititigan gamit ang mas malamig pang mga mata.Pakiramdam ko, biglang bumaliktad ang mundo ko. Ayokong nang mabuhay pa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments