~Agathe~“Tayo'y nagtitipon ngayong gabi upang saksihan ang pag-iisang dibdib nina Mr. Gunther Percival Silvestri at Miss Agathe Clementine Capucine sa banal na kasal. Isang gabi ng malaking pagdiriwang at pagpapala.”Pagpapala, ang sabi? Kalokohan. Kamalasan? Isang daang porsyento."Hawakan ninyo ang kamay ng isa’t isa at maghanda sa pagpapalitan ng mga panata at singsing."Panata?Hinawakan ng ulol ang parehong kamay ko, mahigpit at matatag, habang nakatitig kami sa isa’t isa. Ang madilim niyang kulay amber na mga mata ay kumikislap, at ang kanyang mapula-pulang labi ay naka-ukit sa isang napakagandang ngiti.Ginagampanan niya nang mahusay ang papel ng mapagmahal kong asawa. Hindi ko maitatangging kahanga-hanga ang talento niya sa bagay na 'yan."Mr. Gunther Percival Silvestri.""Opo, padre?""Ipinapangako mo bang mamahalin ang babaeng ito, na maging tapat at totoo sa kanya, na siya’y aliwin at alagaan, pahalagahan at tanggapin, sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, habang kay
Terakhir Diperbarui : 2025-08-15 Baca selengkapnya