Chapter 178Solidad POV“Ahmm… Zeon, uuwi na kami ni Alessandro,” wika ko habang tinitingnan si Nene na nakahiga pa rin sa kama, halatang pagod pero may ngiti sa labi. Kita ko ang bagong sigla sa kanyang mga mata habang yakap ang maliit nilang anghel.“Salamat ha, sa lahat. Ingatan mo muna si misis mo, Zeon,” sabi ko sabay ngiti.Tumango siya, bakas din ang pagod pero mas nangingibabaw ang saya. “Salamat din, Solidad. At ikaw,” sabay tingin kay Alessandro, “wag mo nang paasahin ulit si Madam dito, ha. ‘Pag niloko mo ‘yan, baka ako pa unang makarating sa bahay niyo.”Napahalakhak ako, at si Alessandro naman ay napaikot ang mata, nakangiti pa rin. “Ayos lang, Zeon. Hindi ko naman balak mawala pa ulit sa kanya,” seryosong sagot niya sabay lingon sa akin.At sa titig niyang ‘yon, parang may kuryenteng dumaloy sa dibdib ko. Ang mga mata niya—warm, sincere, at punô ng pangako.Lumapit ako kay Nene at marahang hinaplos ang noo niya. “Magpahinga ka muna, ha. Babalikan ka namin pag medyo nakab
Huling Na-update : 2025-10-20 Magbasa pa