Chapter 250 Pagdating namin sa sakayan ng jeep, agad akong nagbayad sa tricycle driver saka dumiretso sa nakaparadang jeep. Gusto ko nang makauwi agad sa Pasig—doon sa maliit na kwartong tinutuluyan ko. Makalikom lang ako ng malaking halaga, aalis din ako sa quarter area, bulong ko sa sarili. Matagal ko nang gustong umalis doon. Pero dahil sa gipit, tiniis ko na lang—ang ingay, ang sigawan, ang murahan ng mga kapitbahay na parang araw-araw may galit sa mundo. “’Oh, umurong kayo sa kaliwa para makaupo na ang isa, nang makalarga na tayo!’” sigaw ng driver. Sumunod ako, umusog, at tuluyang nakaupo. “Salamat,” sabi ko, may kasamang maliit na ngiti. Habang umaandar ang jeep, pinanood ko ang mga ilaw sa labas—mga tindahan, tao, buhay na hindi humihinto. Sa bawat pag-alog ng sasakyan, ramdam ko ang bigat ng katawan ko, pero mas mabigat ang mga iniisip. Kaunting tiis pa, Quin, sabi ko sa sarili. Kaunting kanta pa sa gabi. Kaunting linis pa sa umaga. At balang araw, hindi n
Read more