Chapter 183Alessandro POVPagkatapos ng lahat ng ingay, saya, at tawanan sa kasal, sa wakas ay kaming dalawa na lang.Walang bisita, walang camera, walang abala—kami lang ni Solidad.Nasa isang rest house kami sa Tagaytay, overlooking the city lights below. Malamig ang simoy ng hangin, may halong amoy ng kape at damo, at sa tabi namin, naglalaro ang liwanag ng fireplace.Tahimik kaming nakaupo sa sofa, si Solidad ay nakasandal sa balikat ko, hawak ang mug ng mainit na tsokolate.Hindi ko na kailangang magsalita para maramdaman kung gaano ako kasaya.“Alessandro…” tawag niya ng marahan, habang nakatingin sa labas ng bintana.“Hmm?”“Ang dami na nating pinagdaanan, ano?”Napangiti ako.“More than I could count,” sabi ko, sabay haplos sa kanyang buhok.“Pero alam mo… kahit anong sakit, galit, o lungkot noon—worth it lahat. Dahil bumalik ka.”“Hindi ako bumalik,” tugon niya. “Kasi, hindi naman ako umalis. Nawala lang ako sandali para mahanap muli ang sarili ko.”Tumitig ako sa kanya.Iyo
Last Updated : 2025-10-23 Read more