Home / Romance / Becoming The CEO's Contract Lover / CHAPTER SEVENTEEN: THREAT

Share

CHAPTER SEVENTEEN: THREAT

Author: Lovina Alice
last update Last Updated: 2025-08-31 09:09:56

Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman nang isang araw ay nakatanggap ako ng chat mula kay Jake. HIndi iyon isang simpleng chat ng pangungumusta dahil kalakip ng chat na iyon ay isang litrato na puwedeng makasira sa reputasyon ni Sir Kyle. Ang litratong ipinadala niya sa akin ay ang aktuwal na pagpunta ko sa hotel nang hindi kasama ang aking boss. Malinaw ang larawan kaya mahihirapan akong itanggi iyon. Napilitan akong tawagan ang aking dating nobyo dahil sa larawang iyon.

“Kailangan pa pala kitang padalhan ng picture mula sa hotel mismo para mapansin,” sabi ni Jake sa akin sa isang nang-aasar na tinig. “Nagustuhan mo ba ang larawang iyon?”

“Ano ang kailangan mo sa akin?” tanong ko kay Jake sa isang seryosong tinig.

“Wala akong kailangan sa iyo, pero ikaw, sigurado akong may kailangan ka sa akin,” pang-aasar ni Jake. “Gusto mong ipabura sa akin ang picture, hindi ba?”

“Oo, gusto ko iyong ipabura sa iyo,” sagot ko sa kani
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER TWENTY-SEVEN: NOT SO SECRET RELATIONSHIP

    Ramdam ko na alam na ni Sir Roman ang sikretong relasyon namin ni Sir Kyle kahit na hindi ko iyon sa kaniya. Nagbagong bigla ang aming samahan dahil iniiwasan na niya akong makasama nang kaming dalawa lang. Gusto ko man siyang kausapin kapag nakakakita ako ng pagkakataon ay lagi siyang nagsasabi ng dahilan para hindi ko siya makausap. Hindi rin nakatulong ang pagsasaayos namin ni Sir Kyle ng mga papeles na ibibigay sa temporary CEO."Huwag ka nang magtaka kung umiiwas man sa iyo si Roman," sambit ni Sir Kyle sa akin nang minsang naabutan niya akong nakatingin sa direksyon ni Sir Roman. "Malinaw sa kaniya kung ano ang relasyon nating dalawa at inirerespeto niya iyon.""Sinabi mo ba sa kaniya ang tungkol sa ating sikreto?" tanong ko sa kaniya na sinagot niya ng isang iling."Lalaki si Roman at alam niya kung may nagugustuhan ang kasama niya," sambit ni Sir Kyle sa akin. "Hindi ko man sabihin sa kaniya ang tungkol sa ating relasyon ay alam kong igagalang niya kung ano man ang mayroon tay

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER TWENTY-SIX: GUILTY PLEASURE

    Aminado ako na buhat nang nakilala ko si Sir Alexander ay hindi na ako nagtataka sa ugaling ipinapakita ni Sir Kyle sa akin. May pinagmanahan siya ng ugali na kung sakaling sasabihin ko sa kanilang dalawa ang aking obserbasyon ay sabay pa nila akong masisigawan."Huwag mo nang intindihin ang sinabi sa iyo ni Dad nitong nakaraan," sabi ni Sir Kyle sa akin habang inaayos ko ang mga papeles na dadalhin namin sa America para sa isang overseas business trip. "Uminit ang kaniyang ulo dahil hindi ginulat siya ni Jessica nitong nakaraan.""Sir, kahit sino ay magugulat sa ginawa ni Ma'am Jessica dahil marami ang nag-akala na ikakasal na kayong dalawa," pag-amin ko sa kaniya. "At kung ako ang nasa kalagayan ni Sir Alexander ay mapapatanong din ako kung bakit biglang mauuwi sa wala ang isang kasal na matagal nang napagplanuhan. Like, come on, sigurado akong mas gugustuhin ng mga tao si Ma'am Jessica para sa iyo dahil natural ang inyong chemistry sa national tv."Nangunot ang aking noo nang bigla

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER TWENTY-FIVE: MEETING HIS FATHER

    Hindi ko na nagawang tawagan pa si Sir Kyle dahil dumiretso na ng pasok ang nasabing lalaki sa opisina niya. Kung sisitahin man ako ni Sir Kyle mamaya ay wala akong magagawa. Hindi ko kayang kontrolin ang lalaking nagpakilala bilang ama niya dahil bago ko pa man siya tawagan ay pumasok na ito. Itinuon ko ang aking atensyon sa aking trabaho dahil ako rin ang nagsasaayos ng bawat schedule na mayroon si Sir Kyle para sa kaniyang overseas business trip. Hindi ko na inintindi pa kung may sagutan mang nagaganap sa loob ng kaniyang opisina.Nangunot ang aking noo nang nag-ring ang telepono sa aking tabi, "Dalhan mo kami ng kape ni Dad, dalawang black coffee. Hangga't maaari ay huwag mong lalagyan ng asukal pareho."Ramdam ko ang tensyon sa boses ni Sir Kyle kaya wala akong nagawa kundi sundin ang kaniyang utos. A part of me says na kailangan kong lagyan ng asukal ang kanilang kape. Pero mas nanaig sa akin ang katotohanang malalagay sa alanganin ang aking trabaho kung lalagyan ko ng asukal an

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER TWENTY-FOUR: FAMILY AND PEACE OF MIND

    Ilang araw na ang nakalilipas buhat nang nasaksihan ko kung paano ipakita ni Sir Kyle ang kaniyang bad side kina Andreah at Jake. Siniguro niya na hindi na uulit pa ang dalawa sa panggugulo nila sa akin lalo na at nagbanta siya sa dalawa na kung sakaling kokontakin pa nila akong muli ay si Kamatayan na ang kanilang makakaharap. Iyon nga lang, kahit nagkaroon ako ng peace of mind ay hindi pa rin ako nakaligtas sa paninisi ng aking sariling magulang.Personal silang tumawag sa akin para ako ay kagalitan, "Ang sama mong anak! Hindi ka na naawa pa sa iyong kapatid na si Andreah!" bulyaw ni Mama sa akin.Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Marahil ay hindi pa rin nila alam kung ano ang ugali ng kanilang pinakamamahal na anak. Nagpasya akong huwag na silang patulan dahil kahit na anong salita pa ang aking gawin ay masama iyon para sa kanila."Jean Antoinette, pumunta ka rito sa ospital at humingi ka ng tawad sa iyong kapatid," sabi ni Papa sa akin sa isang galit na tinig. "Ang m

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER TWENTY-THREE: RUTHLESS SOLUTION

    Hindi ko alam kung ano ang mga sumunod na nangyari, ang alam ko lang ay nasa harapan ko ngayon si Jake. Nakatali siya sa isang upuan at may busal ang kaniyang bibig. Nasa tabi ko si Sir Kyle na nakangisi nang oras na iyon habang nakatitig nang masama sa aking dating nobyo."Sinubukan mo talagang ubusin ang aking pasensiya, huh?" nakangising sambit ni Sir Kyle kay Jake. "Ang akala mo ba ay magagawa mo akong siraan. Do you see this?"Ipinakita ni Sir Kyle ang cellphone na nagawa niyang kunin mula kay Jake. Ilang slide at scroll ang kaniyang ginawa bago niya ipinakita sa dati kong nobyo ang gallery. Nasa gallery na iyon ang bawat picture na palihim kinuha sa amin ni Jake at ginamit niya bilang pang-blackmail sa akin."Sa sobrang yabang mo ay nakalimutan mong alamin kung ano ang kaya kong gawin," sabi ni Sir Kyle kay Jake. "Nakalimutan mo na may kakayahan akong ipahuli ka nang hindi nakakarating sa mga pulis ang ginagawa ko."Nagulat ako nang nakarinig ako ng mga impit na ungol ng isang b

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER TWENTY-TWO: SIGN OF JEALOUSY

    Ayaw kong paniwalaan ang sinasabi sa akin ni Sir Roman dahil alam ko sa aking sarili na imposible ang kaniyang sinasabi. Hindi ako magugustuhan ni Sir Kyle dahil maraming magaganda na nakapaligid sa kaniya. Ano ang laban ko sa kanila? Kontrata lang ang dahilan kung bakit kami magkasama ni Sir Kyle. Kaya hindi ko rin maintindihan ang huling sinabi sa akin ni Sir Roman na huwag ko nang alalahanin sina Jake at Andreah. “Jean Antoinette, you’re making progress sa mga ipinagagawa ko,” sabi ni Sir Kyle sa akin isang umaga habang inaayos ko ang kaniyang mga gamit. “Keep it up.” Nagulat ako. Hindi ako sanay sa compliment na sinasabi niya sa akin lalo na at ang nakasanayan ko ay ang toyo na mayroon siya araw-araw. Hindi ko inaasahan na bigla siyang babait sa akin. Isang tango ang aking ibinigay at itinuon ko ang aking atensyon sa pag-aayos ng kaniyang neck tie. Namula ako nang biglang hinawakan ni Sir Kyle ang aking kamay. “Do not hide anything from me mula ngayon,” sabi ni Sir Kyle na par

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status