Mugto man ang aking mata sa magdamag na pag-iyak ay hindi ko iyon ipinahalata kay Chiara. Masyadong inosente ang aking anak para masaktan sa mga desisyong ginawa ko noon. Iyon nga lang, kahit na anong tago ang aking gawin ay napansin pa rin niya ang aking mata."Is Mommy sad today?" tanong niya sa akin in straight English.Hindi ako sumagot at sa halip ay niyakap ko si Chiara. Sa ngayon ay magagamit ko ang kaniyang pag-E-English para magpanggap na hindi ko naintindihan ang kaniyang sinasabi. Hindi na niya kailangang malaman pa kung ano ang nararamdaman ko."Mommy, you didn't answer my question," sabi ni Chiara in a whiny tone."Sorry na, hindi naintindihan ni Mommy ang tanong mo," nakangiting sagot ko. "Tara na, pupunta na tayo sa school."Palabas na kami ng bahay nang nakita ko ang kotse ni Kyle sa tapat. Hindi ko na lang sana iyon papansinin sa pag-aakalang nagkataong nandoon lang ang kaniyang kotse."Sumakay na kayong dalawa, ihahatid ko na kayo sa destinasyon ninyo," sabi ni Kyle
Last Updated : 2025-11-18 Read more