Ayaw ko pa ring paniwalaan si Sir Kyle sa kaniyang mga sinasabi lalo na at puwede pa rin iyong mapeke kung magaling magsinungaling ang isang tao. Iyon nga lang, kahit na sabihin ko pang hindi ko siya pinapaniwalaan ay parang balewala naman iyon sa kaniya. Pinanindigan pa rin niya ang kaniyang sinasabi na hindi natuloy ang kasal nilang dalawa ni Ma'am Jessica."Paniwalaan mo na si Sir Kyle, hindi mahilig magsinungaling ang isang iyon," sabi ni Roman sa akin habang inaalalayan niya ako papunta sa venue. "At sigurado akong matutulala siya kapag nakita ka na niya mamaya."Isang irap ang aking pinakawalan, "Huwag mo na akong bolahin pa. Nagpunta ako rito bilang si Maria Antoinette, nothing more, nothing less. Kapag natapos na ito ay babalik na tayo sa dati. Hindi ninyo na ako makikitang muli."Ngumiti na lang si Roman sa akin, "As if namang hahayaan pa ni Sir Kyle na mawala ka sa kaniyang paningin. Who knows? Baka alam na namin kung saan ka nakatira."Hindi ko alam kung namutla ako sa sin
Last Updated : 2025-11-04 Read more