Startseite / Romance / Becoming The CEO's Contract Lover / CHAPTER FIFTY-SEVEN: SIX YEARS

Teilen

CHAPTER FIFTY-SEVEN: SIX YEARS

last update Zuletzt aktualisiert: 26.10.2025 20:45:59

Anim na taon na ang nakakalipas buhat nang ako ay nanirahan sa Baguio. Sa Baguio ko na rin ipinanganak ang aking anak na si Chiara. Sa ngayon ay hindi na ako isang simpleng receptionist lang dahil nakabalik na ako sa tunay kong trabaho bilang isang fashion designer. Sa ngayon ay mayroon na akong sariling boutique na ako mismo ang nagpapatakbo. Ang mga telang ginagamit ko para sa aking mga bagong designs ay galing din sa Baguio. Kilala man ako ngayon sa fashion industry ay sinisiguro ko na walang makakakita sa akin nang personal, maliban sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Dahil mahilig din sa fashion designing ang aking kaibigang si Heaven ay sumama na rin siya sa aking negosyo.

"May bago na naman akong imbitasyong nakuha," sabi ni Heaven na siyang tumatayong secretary at representative ko sa bawat okasyong hindi ko dinadaluhan. "Inaasahan nila ang iyong pagdalo."

Isang tipid na ngiti ang aking pinasilay. Sa totoo lang ay ayaw kong puntahan ang sinasabing event ni Heaven sa akin.

"Kila
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel

Aktuellstes Kapitel

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER SEVENTY-FOUR: AGREEMENT

    Alam kong maghahabol si Kyle sa kaniyang anak kaya nang nasiguro kong kalmado na siya ay nakipagkita na ako sa kaniya. Ako na mismo ang tumawag sa kaniya para sa isang appointment. Hahayaan ko muna siyang magbigay ng demands bago ko ilapag ang aking kondisyon para makapagkita silang dalawa ni Chiara. "Tatanggapin ko ang kahilingan mo kung handa ka ring makinig sa mga gusto niya," sabi ko kay Kyle sa isang seryosong tinig. "Ayaw kong makita siyang umiiyak pagkauwi dahil natakot siya sa iyo." Hindi ko alam kung inirapan ba ako ni Kyle o namamalikmata lang ako nang nagtama ang aking paningin. Ang alam ko lang ay hindi niya nagustuhan ang aking sinabi. "As if I will cause any harm kapag nagkita na kaming dalawa," sagot ni Kyle sa akin. "Hindi mo pa rin masasabi kung ano ang mararamdaman niya," depensa ko kay Kyle. "Sa personality na mayroon ka ay siguradong maiiyak pa rin ang anak ko sa iyo." "Iniinsulto mo ba ako?" patanong na sagot ni Kyle sa akin. "Hindi kita iniinsulto, na

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER SEVENTY-THREE: AMBUSH

    Mugto man ang aking mata sa magdamag na pag-iyak ay hindi ko iyon ipinahalata kay Chiara. Masyadong inosente ang aking anak para masaktan sa mga desisyong ginawa ko noon. Iyon nga lang, kahit na anong tago ang aking gawin ay napansin pa rin niya ang aking mata."Is Mommy sad today?" tanong niya sa akin in straight English.Hindi ako sumagot at sa halip ay niyakap ko si Chiara. Sa ngayon ay magagamit ko ang kaniyang pag-E-English para magpanggap na hindi ko naintindihan ang kaniyang sinasabi. Hindi na niya kailangang malaman pa kung ano ang nararamdaman ko."Mommy, you didn't answer my question," sabi ni Chiara in a whiny tone."Sorry na, hindi naintindihan ni Mommy ang tanong mo," nakangiting sagot ko. "Tara na, pupunta na tayo sa school."Palabas na kami ng bahay nang nakita ko ang kotse ni Kyle sa tapat. Hindi ko na lang sana iyon papansinin sa pag-aakalang nagkataong nandoon lang ang kaniyang kotse."Sumakay na kayong dalawa, ihahatid ko na kayo sa destinasyon ninyo," sabi ni Kyle

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER SEVENTY-TWO: QUESTIONS TO ANSWER

    "Bakit hindi ka nagsabi sa akin noon na may anak na tayong dalawa?" tanong ni Kyle sa isang frustrated na tinig. "Ganoon na lang ba kababa ang tiwala mo sa akin?" "Tulad nang nasabi ko na, ako ang nagpasiyang lumayo dahil hindi tayo puwede," sabi ko sa kaniya. "Iba ang babaeng nakalaan para sa iyo at hindi ako iyon." "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi kami ikinasal ni Jessica?" tanong muli ni Kyle sa akin. "Walang kasal na naganap dahil nalaman naming nagpapanggap lang si Uncle noon!" "Pero gulo pa rin ang dala natin sa isa't isa," saad ko sa kaniya. "Nakita at naramdaman mo na iyon noon." "Pero hindi iyon sapat para iwan mo na lang ako noon," giit ni Kyle. "Ni hindi mo man lang inalam kung ano ang gagawin ko para protektahan kung ano ang mayroon tayo." "Para saan pa? Hindi ako bulag, Kyle," depensa ko. "Kahit ano ang gawin ko ay hindi ako tatanggapin ng ama mo." "But still --" "Nakita mo kung ano ang kayang gawin ng ama ni Ma'am Jessica matupad lang ang kaniyang

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER SEVENTY-ONE: CHIARA'S FATHER

    Ang akala ko ay magagawa kong ilihim sa mahabang panahon ang ugnayan nina Kyle at Chiara. Nangyayari ang mga bagay ayon sa gusto ko. Kahit magkapitbahay kami ni Kyle ay wala siyang kaalam-alam sa existence ng bata lalo na at maaga rin naman siyang umaalis para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Minsan nga ay lumilipas ang isang buong linggo na hindi siya umuuwi sa kaniyang bahay. "Miss mo na ang mokong?" tanong ni Heaven nang nakita niyang nakatanaw ako sa bahay niya. Isang marahas na iling ang aking isinagot, "Imposible! Tinitingnan ko lang ang labas dahil gusto kong masigurong wala siya ngayong nasa labas si Chiara." "Iyon ba talaga ang dahilan?" tanong ni Heaven sa akin. "Baka naman --""Wala akong ibang dahilan para hanapin siya," sabi ko kay Heaven sa isang seryosong tinig."Sigurado ka ba? Baka --"Pinigilan ko kaagad sa pagsasalita si Heaven nang may napansin ako sa labas. Naglalaro sa labas noon si Chiara at maski siya ay napatigil sa kaniyang ginagawa nang napansin niya an

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER SEVENTY: INCOMING HEADACHE

    "Seryoso, sa harapan mo pa sila mag-aaway kung sakaling hindi mo sila pinalabas?" tanong ni Heaven sa akin nang sabihin ko sa kaniya kung ano ang nangyari. Napahilot ako sa aking sentido nang naalala ko kung ano ang nangyari sa loob ng aking opisina. Hindi ko inakala na magugulo ang aking buhay dahil lang sa dalawang lalaki na biglang sumulpot ng walang pasabi. "Alam ko na, baka nagpanggap silang mga customer kaya pinapasok sila sa boutique," sabi ni Heaven sa akin. "Wala rin ako kanina dahil may kailangan akong asikasuhin kaya parang mga dagang nagdiwang ang dalawang iyon, lalo na ang ex-boyfriend mo."Napatango ako sa sinabi ni Heaven. Naalala kong day off nga pala niya ngayon kaya wala akong personal assistant nang sandaling iyon. Kung sakaling nasa boutique siya ay sigurado akong magagawa niyang harangan ang dalawang lalaki, lalo na at nasa kaniya ang aking schedule para sa personal appointments. Masasabi ko na lang ding matalino sina Kyle at Matthias lalo na at nakapasok sila s

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER SIXTY-NINE: MR. JANZEN

    Ilang araw na rin ang nakalilipas buhat nang natapos ang Runway Project. I can say na successful ang event na iyon lalo na at pinag-usapan din iyon ng ilang araw. Halos lahat ay pinupuri ang Janzen Creations sa kanilang nagawa lalo na at mga kilalang fashion designers din ang kanilang inimbitahan. Hindi ko nga lang inaasahan na sa mga susunod na araw ay isang bisita ang aking tinanggap sa aking opisina. Hindi lang siya isang simpleng bisita dahil si Mr. Janzen iyon na siyang organizer mismo ng event. "Hindi ko inaasahan ang pagpunta mo rito. What can I do for you?" tanong ko kaagad kay Mr. Janzen, wondering kung anong suhol ang ibinigay nito kay Heaven para makapagpagawa ito kaagad ng appointment sa aking kaibigan. Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Mr. Janzen bago pa man siya nagsalita, "Hindi mo kailangang maging pormal masyado sa akin lalo na at ang nais ko lang naman ay makipagkaibigan sa iyo." Nangunot ang aking noo sa narinig. Friendship means a new proposal for me

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status