MABIGAT ANG pakiramdam ni Ellie ngunit pinilit niya pa ring kumilos. Pag-akyat niya sa itaas, dumiretso siya sa silid ni Saoirse. Ngunit sinalubong siya ng katahimikan nang buksan ang silid. Napa-angat ang kilay niya bago dahan-dahang isinara ang pinto.Nagtungo siya sa silid ni Kyo. Saglit siyang huminto sa pinto, nag-aalinlangan kung kakatok ba o hindi. Alam niyang tuwing sinusundo niya si Saoirse mula sa paaralan, ang unang pupuntahan ng bata ay hindi ang sariling kwarto kundi ang silid ng ama nito.Sa huli, napabuntong-hininga siya at kumatok. Nang marinig niya ang mahinang boses ni Kyo, marahan niyang pinihit ang seradura at pumasok.Pagpasok ni Ellie, agad niyang hinanap ang mga mata ni Kyo. “Good evening, sir,” mahinahon niyang bati nang magtama ang kanilang paningin.“Hmm…” mahina lamang ang tugon ni Kyo bago ibinaling ang atensyon kay Saoirse na nakaupo sa kandungan nito.“Saoirse, you should be with Yaya Ellie,” anito, pero napangiwi ang bata at ngumuso.“But, Daddy, I wann
Huling Na-update : 2025-09-26 Magbasa pa