“GOOD NIGHT, baby,” mahinang bulong ni Ellie matapos maibaba si Saoirse sa kama. Inayos niya ang unan, at kinumutan ito. Yumuko siya saka marahang hinalikan ang noo ng bata. Pagkatapos ay pinatay niya ang ilaw sa tabi ng kama at maingat na lumabas ng silid. Nang makalabas siya ng silid ni Saoirse, nakasalubong ni Ellie ang amo. “Good evening, sir,” bati niya dito. Ngunit tumango lamang ito at nagmadaling lumakad. Bago pa man ito makalampas sa kanya mabilis na humarang si Ellie sa daraanan nito. “Get out of my way,” mariin nitong sabi. Napasinghap si Ellie nang makita ang mata nito na namumula. Agad siyang lumihis ng landas. Mabilis na tinahak ni Kyo ang silid nito. Ngunit dala ng kuryosidad, hindi nakatiis si Ellie. Nagpasya siyang sundan ang kanyang amo dala ang isang baso ng tubig. Mabilis siyang nagpunta sa kusina, nagbuhos ng malamig na tubig, at tinahak ang daan paakyat. Hindi na siya kumatok, basta na lamang niyang binuksan ang pinto, at halos lumaki ang kanyang mga m
Last Updated : 2025-09-20 Read more