“KYO…” TAWAG niya na may halong pagtataka at amusement sa boses. Halos hindi siya makapaniwala sa nakikita.Totoo ba ito? Hindi kaya panaginip niya lamang?Ngumiti si Kyo, ang mga mata nito ay kumikislap ng sinseridad. Maingat na hinawakan ng lalaki ang mga balikat ni Ellie at marahang pinaikot siya paharap dito.“Yes, Ellie… will you be my girlfriend?” napapaos nitong tanong.Nanlaki ang kanyang mga mata, at bago pa man makasagot, naramdaman na ni Ellie ang pag-init ng sulok nang mga mata. Gano'n din ang kanyang dibdib.Hindi niya ito inasahan, hindi sa ganitong paraan. Ibig bang sabihin, matagal na pala itong plano ni Kyo?“H-hindi ko alam kung anong sasabihin. Ginulat mo ako,” mahinang sabi ni Ellie habang pinupunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi.“Don’t cry, sugarplum,” malambing nitong sabi. “I’ve been in love with you for as long as I can remember. Please… be my girlfriend.”Umiling si Ellie, kasabay ng pag-iling ay ang mga luha ng tuwa. “Yes… yes,
Last Updated : 2025-10-06 Read more