KINABUKASAN, NAGISING si Selestina sa malalakas na sigawan mula sa labas. Mabigat pa ang kanyang talukap nang ipahid niya ang kamay sa mga mata, at dahan-dahang tumayo upang puntahan ang pinto. Ngunit bago pa niya mabuksan iyon, biglang sumulpot si Calliz, hingal at tila may dalang mabigat na balita.“Hindi ko alam na may asawa ka na, Ate?” ani Calliz, na lalong nagpalito kay Selestina. Napataas siya ng kilay.“Huh?” tugon niya, bahagyang kumunot ang noo.Itinaas ni Calliz ang hawak nitong cellphone, ipinapakita ang mga kumakalat na balita sa social media.Nakasaad sa mga headline:Rich Heartless CEO angered his wife and came to her workplace to apologize, but one question is… why did he marry someone poor?May kalakip na litrato, ang una, noong unang pagkikita nila ni Rogue, kung saan hinila siya nito para maupo sa kandungan nito. At ang isa pa, kahapon lamang, nang mariin niyang ibangga ang kamay sa ibabaw ng mesa.“Ano?!” sigaw ni Selestina, halos mapatalon bago siya kumaripas pala
최신 업데이트 : 2025-08-18 더 보기