“HINDI AKO nagbibiro, Miss Ellie. Totoo ito. May dinadala kang sanggol,” mariing kumpirma ng doktor.“H-hindi, Dok. Hindi totoo iyan, hindi ba? Hindi ako buntis, hindi ako buntis! Sabihin mong nagbibiro ka!” garalgal ang boses ni Ellie sa sobrang kaba.Napakunot ang noo ng doktor. Nagtataka ito sa inaasta niya. “Hindi ako nagbibiro, Miss. Here’s the result of the test. You may take a look.” Inabot nito ang papel sa harap niya.Nanuyo ang lalamunan ni Ellie. Tinitigan niya ang papel, saka ang doktor.“Sige, tingnan mo,” himok ng doktor.Nanginginig ang kanyang mga daliri nang kunin ang papel. At oo, malinaw na positibo ang resulta.“H-hindi… imposible ito! Hindi!” marahas siyang umiling kasabay niyon ay ang pag-agos ng mga luha sa kanyang mata.“Dok, pakiusap, maaari po ba kayong magsagawa ng panibagong pagsusuri? Baka sa ibang pasyente ito,” desperadong sabi ni Ellie na hindi matatanggap ang katotohanan.“Pero, Miss…”“Please, Dok. Nakikiusap ako,” halos pagmamakaawa na niya.Napabun
Last Updated : 2025-09-28 Read more