SHANEKinabukasan, bago pa sumikat nang husto ang araw, gising na ako. Hindi ako nakatulog nang maayos dahil halos buong gabi akong nakaupo sa gilid ng kama, nag-iisip, umiwas sa sariling anino.“Get help,” yun yung sinabi ni BJ.At kahit masakit, tama siya.Kaya eto ako ngayon, nasa loob ng isang malaking, malamig pero tahimik na clinic. Ang pangalan nakasulat sa pinto ay Dr. Jules Jones, isang sikat na psychiatrist na ni-recommend ng family doctor namin.Huminga ako nang malalim bago pumasok. Para akong pupunta sa execution—pero sa loob-loob ko, baka ito ang chance na hindi ko na nagawa dati.Pagpasok ko, naamoy ko agad yung peppermint scent. Nakakarelax, pero hindi sapat. Naroon si Dr. Jones, nakangiti nang konti, may hawak na tablet. Nakasalamin, simple ang suot, pero kakaiba ang aura—yung tipong kahit hindi siya magsalita, parang alam niya na kung gaano kagulo ang loob mo.“Good morning, Mr. Lincoln,” calm niyang sabi. “You may lie down if you’re comfortable.”Hindi ako sanay hum
Terakhir Diperbarui : 2025-11-26 Baca selengkapnya