JANELLAPagpasok ko pa lang sa malaking glass doors ng “Casa de Lumière Bridal,” agad kong naramdaman ang lamig ng aircon na parang mas malamig pa sa tingin ng ibang bride-to-be sa akin. Kilalang-kilala ang shop na ’to—dito nagpapatahi ang mga artista, mga sikat na influencer, mga sosyalera. At syempre, ako. Fiancée ni Dwayne Johnson. Kaya naka-VIP room ako ngayon.Pero kahit mataas ang noo ko, hindi ko maiwasang mapansin ang kabilang side ng shop. Nandoon ’yung mga regular clients, mga babae na tawa nang tawa habang kasama ang mga fiancé nila. May nag-aabot ng damit, may nagpapakita ng thumbs up, may humahalik pa sa noo ng kasama nila.Ako? Mag-isa.Huminga ako nang malalim at pumasok sa VIP room. Malaki, puti lahat, may malaking salamin, at may chandelier pa na parang ayaw tumigil sa pag-kurap. Pumwesto ako sa gitna at naghintay ng staff.“Ma’am Janella?” kumatok ang isang babae. “Ready na po ang first gown.”“Bring it in,” sagot ko, kaya akong-kaya kong gawing maangas ang boses ko.
Terakhir Diperbarui : 2025-11-29 Baca selengkapnya