DWAYNE“Dok, sagutin mo, once in for all, sa tingin mo ba ako ang ama ng bata o hindi? Kaya nga nagpa DNA test para maging sigurado pero ang sagot ninyo sa akin ay sobrang labo!” inis kong sabi.Napailing naman ang doctor saka sumagot, “Ganito nalang po ipapaulit ko ang test, naroon pa naman ang mga blood sample. Kukuha rin po kami ng saliva at hair follicle sa inyo ng baby para tatlong test na po ang mangyayari. Kung same sa 97% pa rin ang ibig sabihin ay match kayo pero posibleng may relative o kapatid kayo na pwedeng totoong ama ng baby, kung wala naman ay pwede naman na natin na sabihin na kayo talaga ang ama lalo na hindi naman bumaba sa 95% ang resulta.”“Go gawin na!” inis ko pa rin na sabi.“Dwayne, be calm, halika magpunta punta tayo sa cafeteria,” ani mama.May bigla naman akong naisip, “Sige ma, susunod ako.”Nauna na si mama at Ferlyn na umalis. Kinuhaan naman ako ng sample ng laway at buhod ganun rin ang baby.“Dok, yung baby sa room ni Nancy Miller, gawan rin ng DNA test
Last Updated : 2025-12-15 Read more