GlendaNanginginig yung mga kamay ko habang dinidial yung number ni Miss Janella. Bawat ring ng telepono, mas lalong tumitindi yung kaba ko. Alam ko kasing hindi siya matutuwa sa mga sasabihin ko. Alam kong magagalit siya dahil hindi pa ako nagtatagumpay sa utos.Pero kailangan kong magreport. Kailangan kong sabihin sa kanya na nagawa ko na yung unang plano, pero hindi pa rin ako nakakalapit kay Doc. Lesley. Kailangan kong sabihin sa kanya na parang mailap siya, na parang ayaw niyang makipag-usap.Sa wakas, sinagot na niya yung telepono."Hello, Miss Janella? Si Glenda po ito," bati ko, sinusubukang maging kalmado."Glenda, anong balita?" tanong niya, seryoso yung boses. Walang bakas ng kahit anong emosyon."Ma'am, nagawa ko na po yung unang plano," sagot ko. "Nagpakilala na po ako kila Doc. Lesley bilang kapitbahay.""At?" tanong niya, naghihintay ng karagdagang detalye. Alam kong hindi siya kuntento sa simpleng pagpapakilala."Ma'am, parang mailap po siya," sabi ko, mas lalong kinak
Read more