NancyNalungkot ako nang umalis si Dwayne. Tinawag siya ng mama niya. Inuwi na rin daw si Janella at ang anak nila.Oo, aaminin ko, may kirot akong naramdaman. Selos? Siguro. Paano ba naman kasi, babalik pa rin siya sa piling ni Janella. Samantalang ako… ako, eto, nag-iisa. Nagpapanggap na malakas. Nagpapanggap na okay lang. Pero sa totoo lang, nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil hindi ako ang pinili niya. Nasasaktan ako dahil hindi ako ang kasama niya.Nag-aya na kumain ng early lunch si Manang Kendra. Habang nakaupo kami, ako, si Giselle, si Manang Kendra, at si Doc Lesley, naisip ni Doc Lesley na buksan ang TV. Gusto raw niyang manood ng balita.Pero sana hindi na lang niya binuksan. Sana hindi ko na lang nakita ang video na 'yon. Sana hindi ko na lang nalaman.Ako ang sinisisi ni Kylie! Ako raw ang nagpadukot sa kanya! Ako raw ang nagtangka na patayin siya! Ako raw ang dahilan kung bakit siya naghihirap!"Ano ang pinagsasabi ng babaeng 'to?" bulalas ko. Hindi ko na napigilan.Sum
Last Updated : 2025-12-23 Read more