NancyTulala lang ako habang hinihila ng mga pulis ang mga braso ko. Parang lumulutang ang pakiramdam ko, hindi ko na maramdaman ang sahig na tinatapakan ko. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mukha ni Dwyane bago siya tumalikod—ang galit sa mga mata niya, ang pandidiri. Iyon ang mas masakit kaysa sa anumang hatol. Reclusion Perpetua. Habambuhay.Inasahan ko na dadalhin ako sa isang madilim na selda, 'yung siksikan, mabaho, at may mga rehas na kinakalawang. Pero laking gulat ko nang huminto kami sa isang pasilyo na mukhang hindi bahagi ng kulungang nakikita ko sa balita. Pagbukas ng pinto, nanlaki ang mga mata ko.Malinis ang kwarto. Maputi ang mga tiles sa sahig at dingding. May malambot na kama na may maayos na kumot, may sariling banyo na mukhang banyo sa hotel, at may aircon na nagbubuga ng malamig na hangin. Sa gilid, may flat-screen TV at isang maliit na pantry na puno ng de-lata, biskwit, at mga prutas."Dito ka muna," maikling sabi ng pulis bago ako iniwan at ni-lock ang
Last Updated : 2025-12-30 Read more