JanellaMaingay ang buong mansion dahil sa mga taong labas-masok para makiramay, pero sa loob-loob ko, gusto ko na silang lahat palayasin. Ang amoy ng mga bulaklak ay nakakahilo na, lalong-lalo na ang amoy ng kandila na humahalo sa kaba ko. Habang nakatayo ako sa gilid at nagpapanggap na nag-aayos ng mga abuloy, bumukas ang pinto at iniluwa si Attorney Sarah Jones.Mabilis ang lakad niya, seryoso ang mukha, at bitbit ang makapal na folder para sa aming next plan sa second trial. Agad ko siyang hinarap bago pa siya makalapit kay Dwyane."Attorney, dito tayo sa library," bulong ko habang hinihila ko siya palayo sa maraming tao.Nang makapasok kami sa library, agad niyang ibinagsak ang folder sa mesa. "Janella, kailangan nating mag-usap. Yung nangyari sa first trial, medyo nabaon tayo sa mga teknikalidad ni Lara Sanchez. Kailangan nating ayusin ang testimonya nina Ferlyn at Jamilla. Nasaan sila? I-brief natin sila ngayon din dahil bukas na ang susunod na hearing."Huminga ako nang malali
Last Updated : 2025-12-30 Read more