Manang KendraHabang hawak ako ng mga tauhan at palabas kami ng ospital, biglang may isang lalaki na lumapit sa akin. Hindi ko siya masyadong kilala pero nakita ko na siya dati sa mansyon. Hindi siya kasing tapang ng iba. Tahimik lang siya lagi.Pagdating namin sa parking area, bigla niyang hinila ang braso ko palayo sa kasama niya.“Sandali,” sabi niya sa isa. “Ako na ang bahala kay Manang. Ipapasok ko na sa sasakyan.”Tumango ang isa at nauna nang sumakay.Naiwan kaming dalawa.Tumingin siya sa akin. Iba ang tingin niya. Hindi galit. Parang may iniisip.“Manang,” mahina niyang sabi. “Gusto mo bang makatakas?”Parang tumigil ang mundo ko. Hindi ako agad nakasagot.“A-ano?” tanong ko.“Kapag sinabi kong tumakbo, tumakbo ka. Diretso. Huwag ka lilingon, naiintindihan mo? Kunwari ay naisahan mo ako, basta huwag kang magpapahuli, okay? Kundi tapos sa mga kasama ko,” sabi niya.Nanlaki ang mata ko. Totoo ba ito? O panibagong laro na naman?“Hindi ka ba nila hahabulin kung paaptakasin ako?”
Last Updated : 2026-02-19 Read more