JanellaMagkatabi kami ni Jamilla na nakaupo sa loob ng kotse ko, nakatingin sa mansion ni Shane at nanghihintay na sa paglabas ni Nancy. “Sino sa tingin mo ang makakapagpalabas kay Nancy? Si Tony o si Noel?” tanong ko sa kanya, habang nakangisi pa rin.“Umm… siguro si Noel,” sagot ni Jamilla, nakangisi rin, medyo nag-iisip. “Mukhang mas engot siya, kaya hindi nila paghihinalaan agad.”Natawa ako nang bahagya at napatingin sa oras. “Konting oras na lang,” sabi ko.Napatingin din si Jamilla sa akin. “Sigurado kanng 3 milyon ang ibabayad mo?” tanong niya.Napangisi ako at kinuha ang cheke mula sa bag ko, “Of course not, tatalbog ang check na ito, dahil walang pera itong account na ginamit ko, kahit saan banko ay walang magbibigay ng pera sa kanila,” sabi ko,Napapahagikgik si Jamilla, “Gaga ka talaga, Janella… papaasahin mo lang pala si Noel o Tony sa pera?”Tumango ako at natawa rin, “Oo, hindi naman ako tanga na magbibigay ng ganun kalaking pera. Isa pa kapag nakuha na nila si Nancy,
Read more